GMA Logo Marina Benipayo and Ricardo Cepeda
source: marina_benipayo/IG
What's Hot

Marina Benipayo requests prayers for partner, Ricardo Cepeda; calls out content creators

By Kristian Eric Javier
Published October 10, 2023 10:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH cancels opening of Davao City road project
Lee Victor, Iñigo Jose express admiration for Caprice Cayetano: 'She's like an angel'
BTS's Jin brings cocktail collab into the spotlight at fan event

Article Inside Page


Showbiz News

Marina Benipayo and Ricardo Cepeda


Marina Benipayo asks content creators and netizens to be more responsible with what they put out on social media.

Humihingi ng prayers at supporta ang aktres na si Marina Benipayo para sa kaniyang partner na si Ricardo Cepeda matapos mabasa ang negative comments online tungkol sa pinagdadaanan ng aktor ngayon.

Noong Sabado, October 7, inaresto si Ricardo sa Caloocan City dahil sa alleged syndicated estafa na kinasangkutan nito. Ayon sa report ng GMA News ay patuloy pa rin ang kapulisan sa paghahanap ng wanted persons.

Samantala, nag-post naman ng isang video sa kaniyang TikTok account si Marina at humihingi ng prayers para sa pinagdadaanan nila ngayon.

“All we really need now are prayers, nothing else. 'Yun lang po,” sabi nito.

Dito ay tinawag din niya ang pansin ng mga content creators at mga netizens na nagko-comment ng negatibo tungkol sa pinagdadaanan nila. Ayon kay Marina, ay may nag-post ng content tungkol sa kaniyang partner at hinayaan na lang “pagpiyestahan ng mga tao” sa comments section.

BALIKAN ANG MGA DIGITAL CONTENT CREATORS NA DUMALO SA GMA GALA 2023:

“'Di yata tama 'yun e. Naantala 'yung ginagawa namin sa araw-araw dahil sa nangyari. Kami po, nagsusumikap lang po kami while at the same time, trying to help as much people as we can dahil alam po namin ang pakiramdam ng paghihirap. Alam namin 'yun e,” sabi nito.

Dagdag pa ng aktres ay may mga nagsasabi pa na dahil daw sa lifestyle nila kaya sila nasa kanilang sitwasyon ngayon, ngunit sinabi ni Marina na simple lang sila mamuhay at na hindi naman sila “high maintenance.”

“We don't have expensive clothes, we just make the most of what we have. 'Yun nga din minsan ang tinuturo ko, you make the most of what you have,” sabi nito.

Dagdag pa ng aktres, “Pero kahit ano pang gawin namin, low-key na nga kami, hindi rin kami lumalabas, wala, ganun pa rin ang nangyari.”

Nagbigay din siya ng mga paalala sa mga netizens na mahilig mag-comment, at sinabing kaakibat ng power na makapag-voice out ng kanilang concern ay dapat reponsable din ang mga ito sa kanilang mga comment.

“And dun sa content creator, dahil ikaw ang nag-post, you're also responsible for lahat ng comment na lalabas and reactions,” dagdag nito.

Kilala si Ricardo sa mga kontrabida roles niya sa TV at sa pelikula at ayon kay Marina, ilan umano sa mga comments na nabasa niya ay ang paghahalintulad ng mga netizens sa partner niya sa mga characters na pino-portray nito.

“Nata-target si Ricardo dahil sa characters na pino-portray niya sa TV, or 'yung sa tingin ng ibang tao ganun kami, hindi po. Sana po matuto po tayo to discern what is the truth,” sabi nito.

Sa huli ay hiniling ni Marina na sana ay matuto ang mga netizens na mag-post ng article, comment, o video na nagbibigay ng suporta o prayers imbis na pangungutya.

“Lagi kong sinasabi, if you doubt, don't buy. Ganun din po 'yun. Nagdududa kayo sa nakikita ninyo, nababasa ninyo, 'wag na po kayo mag-comment na lang,” sabi nito.

Sa dulo ng video ay ipinakita ni Marina ang isang maiksing mensahe mula sa anak nito na na si Mark De Sequera kung saan sinabing ang ama niya ay "wrongfully accused."

Dito ay ipinapaliwanag niya na product endorser lang si Ricardo at isang brand ambassador. Dito, mababasa na hindi parte ng kumpanya si Ricardo at wala ang pangalan nito sa investment schemes ng kumpanya.

Ayon pa kay Marina sa video ay hindi kailanman present si Ricardo sa mga pag-uusap tungkol sa investing, at hindi rin siya signatory sa kahit anong papeles.

Panoorin ang buong video sa ibaba:

@marina_benipayo No hate, please. Just prayers. #NoHate #life ♬ original sound - Marina Benipayo