GMA Logo philip lazaro
What's Hot

Marina Benipayo, Tuesday Vargas, at iba pang celebrities, ikinalungkot ang pagpanaw ni Phillip Lazaro

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 11, 2022 12:37 PM PHT
Updated July 11, 2022 5:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Philippines at the 2025 SEA Games: List of gold medalists
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

philip lazaro


Binalikan ng ilang kaibigan at katrabaho ni Phillip Lazaro ang masasaya nilang alaala kasama ang aktor, komedyante, at direktor. Basahin DITO.

Nakiramay ang ilang celebrities sa pagkamatay ng aktor, komedyante, at direktor na si Phillip Lazaro ngayong araw, July 11.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng batikang aktres na si Marina Benipayo ang ilang mensahe nilang dalawa ni Direk Phillip.

Aniya, "I will really miss our chats, Phillip. Rest in God's loving arms, my dear friend."

Ang komedyanteng si Tuesday Vargas ay nagbahagi ng maikling video kung saan nagkukulitan sila ni Direk Phillip kasama si Eugene Domingo.

Sulat niya sa caption, "Direk! Bakit mo naman kami iniwan agad? Gagawin pa natin itong Baklakula na serye di ba?

"Sobra akong nabigla sa nabalitaan ko. Ma mi miss kita Mama Phi. Rest in power.

"I love you Phillip Lazaro."

Bilang pag-alala sa malapit na kaibigan, ibinahagi ni John "Sweet" Lapus ang mga huling mensahe sa kanya ni Direk Philip. Sa katunayan, ginawa pa niyang cover photo ang huling pagbati sa kanya ng yumaong direktor noong nakaraang kaarawan niya.

Tinawag naman ni Neil Coleta na isang karangalan ang makatrabaho si Phillip bilang second unit director ng Widows' Web.

"We love you direk Phillip Lazaro isang karangalan makatrabaho ka sa widow's web," sulat ni Neil.

Ibinahagi rin ng komedyanteng si Atak ang teaser ng guesting nila ni Phillip sa Sarap 'Di Ba? kung saan nakasama nila sina Lexi Gonzales, Royce Cabrera, Beki Belo.

Nabigla ang dating Sexbomb na si Mia Pangyarihan sa pagkamatay ni Phillip.

Aniya, "Nakakabigla ka naman mama Phillip Lazaro. Rest in peace ma."

Rest in peace, Direk Phillip.

Samantala, narito ang ilang celebrities na maagang pumanaw: