GMA Logo Marina Summers
PHOTO COURTESY: It’s Showtime
What's on TV

Marina Summers, excited sa pag-host ng Miss Universe Philippines 2026

By Dianne Mariano
Published April 30, 2026 5:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

IMF warns Asia to keep policy in balance amid Middle East energy disruptions
6 ka mga indibdiwal lakip 2 ka aktibong pulis sa PRO-11, sikop I One Mindanao
Makiling | Ang Ganti ni Amira

Article Inside Page


Showbiz News

Marina Summers


Ang drag artist na si Marina Summers ay ang first transwoman na magho-host ng coronation night ng Miss Universe Philippines 2026.

Naghatid ng saya ang Filipina drag artist na si Marina Summers sa It's Showtime kamakailan at ipinamalas ang kanyang husay sa pag-perform.

Matapos ito, ibinahagi ni Marina ang naging inspirasyon niya sa kanyang bagong kanta na pinamagatang "EABAB."

“As a proud transwoman, I wanted to create an anthem for all the trans, eababs out there,” paliwanag niya.

Bukod dito, ikinuwento rin ni Marina kung ano pa ang nais niyang makamit na goals ngayong taon. Aniya, “Honestly, more than the glitz and glamour, I really want to be more confident with myself. Talagang live my life fully as a woman this year.”

Dagdag pa ni Marina, marami pang dapat abangan na bagong music mula sa kanya.

Ibinahagi rin ng drag performer na siya ang kauna-unahang transwoman na magho-host ng coronation night ng Miss Universe Philippines ngayong taon.

"I am the first transwoman to host Miss Universe Philippines this year. And I'm so happy to share the stage with all the amazing candidates representing the beauty of Filipinas here in our country. So I'm really excited," pagbabahagi niya.

Noong 2024, gumawa ng kasaysayan si Marina Summers bilang ang first drag artist na nag-perform sa Miss Universe Philippines stage.

Patuloy na subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Related content: Take a look back at Marina Summers' amazing drag journey