
Ang singer-actress na si Maris Racal ang pinakabagong guest sa vlogs ni Dr. Vicki Belo.
Sa vlog ni Dr. Vicki na 'Binondo Food Crawl and Maris Racal and Rico Blanco's love story,' inilahad ni Maris kung gaano kakulay ang kanyang buhay pag-ibig.
Masaya at proud na sinariwa at ibinahagi ni Maris sa vlog ang unang sweet moments nila ng kilalang singer na si Rico Blanco.
Ibinahagi rin niya kung paano nagsimulang mahulog ang loob nila sa isa't isa.
Ayon sa aktres, bago ma-develop ang kanilang pag-iibigan, ilang proyektong tungkol sa musika ang kanilang pinagtulungan.
Habang nagiging close dahil sa pagmamahal nila sa musika, bigla na lamang daw siyang inaya ni Rico na sumama sa isang music-related event.
Pagbabahagi ni Maris kay Vicki, “One day, bigla na lang siya [Rico Blanco] nag-aya… hindi movie eh, parang invite siya, music event. Nahiya ako. Sabi ko na lang may movie akong gustong panoorin…”
Dagdag pa niya, “Nag-change 'yung mind ko, sabi ko sa kanya punta na lang tayo sa event ni Rambo [Nuñez]. Ang cute pa ng moment na 'yun… parang nagkakamabutihan sila nu'n ulit ni ate Maja [Salvador] ulit. Sobrang sabay namin together…”
Kasunod nito, masaya na niyang ikinuwento kung paano nagsimula ang kanilang love story.
Sabi niya, “Bigla na lang nagka-developan, I kept it for two years…'Yung quiet na two years na 'yun like it was one of the happiest years na na-experience ko kasi totoo lang siya… masaya lang kami, we never dated outside here in the Philippines.”
Matapos nito, kilig na kilig naman niyang ibinahagi ang tungkol sa unang date nila ni Rico.
Ayon kay Maris, “Nung time na may work ako sa States, nagkaroon ako ng five days off sa Vegas then sumunod siya and that that was our first date ever.”
Nabanggit din niya kay Vicki na 21 years old siya noon at 45 years old naman si Rico nang una siyang maging magkatrabaho sa isang music project.
Kinumpirma at isinapubliko nina Maris at Rico ang kanilang relasyon noong May 2021.
Samantala, silipin sa gallery na ito ang mga celebrity couple na may malaking age gap: