GMA Logo Marissa Delgado, Marian Rivera at the media conference of My Guardian Alien
What's on TV

Marissa Delgado, nakaramdam ng pressure kay Marian Rivera?

By Dianne Mariano
Published March 25, 2024 2:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal lost with jet carrying Libyan army chief over Ankara, Turkey says
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Marissa Delgado, Marian Rivera at the media conference of My Guardian Alien


Kumusta kaya ang experience ng veteran star na si Marissa Delgado na makatrabaho ang 'My Guardian Alien' lead star na si Marian Rivera?

Kabilang ang beteranang aktres na si Marissa Delgado sa stellar cast ng kaabang-abang na primetime series na My Guardian Alien, na pagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama si Max Collins.

Related gallery: Here's what happened at the media conference of 'My Guardian Alien'

Sa naganap na media conference para sa serye, kinumusta ng miyembro ng press ang batikang aktres tungkol sa kanyang karanasan na makatrabaho ang Kapuso Primetime Queen.

“Okay naman. Okay naman, 'di ba?” sagot niya.

“Nung una, siyempre ako una ko siyang makakatrabaho, nanonood lang ako sa kanya. Nginingitian ko at saka 'hello, hi.'

“Ang ganda, ang payat. Napaka-fragile mo, beso-beso, tapos balik na ako sa baba. Si Marian, do'n naman sa kwarto niya,” kuwento pa niya.

Inamin ni Marissa na nakaramdam siya ng takot noong una silang nagsama ni Marian sa serye.

Aniya, “Minsan lang kami nagkaka-eksena, but lately this is what I felt. Parang close na o something getting there, 'yung gano'n. It's more than just 'hi, hello.' At saka, nung una natatakot ako, hindi na ngayon. Medyo ilag ako, siguro dahil tagahanga niya ako.

“Gandang-ganda ako dito sa batang ito.”

Nang tanungin naman si Marian sa reaksyon niya sa pagiging tagahanga ng veteran star sa kanya, sagot niya, “Alam mo, sa bawat tao na humahanga sa 'yo o ginugusto ka, e malaking factor 'yon sa pagkatao ko kasi ibig sabihin, nakaka-influence ako sa kanila.

“Anuman 'yan, sa pag-arte man 'yan, sa hitsura man 'yan, sa pananaw mo man sa buhay. So ang maganda niyan is nagiging good influence ka o magandang bahagi ka ng buhay nila. Blessed ako kapag may mga gano'ng tao sa akin.”

Bukod kay Marissa, mapapanood din sa My Guardian Alien sina Gabby Eigenmann, Raphael Landicho, Kiray Celis, Arnold Reyes, Tanya Gomez, Caitlyn Stave, Josh Ford, Sean Lucas, Tart Carlos, Christian Antolin, at Kirst Viray.

Abangan ang world premiere ng sa April 1 sa GMA Prime.