
Puno ng pasasalamat si Mariz Ricketts na kabilang siya sa isa sa mga inaabangang summer offering ng GMA Network ngayong 2022.
Simula ngayong May 2, mapapanood na ang bagong Afternoon Prime series ng GMA Network na Apoy sa Langit. Ito ay muling pagbabalik sa telebisyon ng mahusay na aktres na si Mariz.
Photo source: Apoy sa Langit
Gagampanan ni Mariz ang karakter ni Blessie, na kaibigan ni Gemma (Maricel Laxa). Sina Mariz at Maricel ay magkaibigan din sa tunay na buhay.
Ayon sa post ni Mariz sa kaniyang Instagram account, nagpapasalamat siya sa mga co-stars, director, at production team ng Apoy sa Langit. Bukod kay Maricel ay makakasama rin nila sina Mikee Quintos na gaganap bilang Ning at Lianne Valentin na gaganap naman bilang si Stella.
Saad ni Mariz, "So thankful to be able to work with these amazing, beautiful women, with our wonderful director, Laurice Guillen, and the amazing production team of #ApoySaLangit."
Para kay Mariz, karangalan na mapabilang sa bagong serye ng GMA na Apoy sa Langit.
"Ito po ay isang karangalan. Maraming salamat po #GMAAfternoonPrime"
Abangan si Mariz bilang Blessie sa Apoy sa Langit simula ngayong May 2, 2:30 p.m. sa GMA Network.
Samantala, silipin ang mga naganap sa lock-in taping ng Apoy sa Langit: