GMA Logo Mariz Ricketts and Ronnie Ricketts
Celebrity Life

Mariz Ricketts, nami-miss na ang asawa na si Ronnie Ricketts

By Maine Aquino
Published May 16, 2022 3:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Prosecutor: Ayon sa medical experts, ‘fit’ na lumahok sa ICC pre-trial proceedings si Duterte
Straight from the Expert: Lechon, the star of every Filipino Christmas table (Teaser)
PRO-10 deploys nearly 500 cops to boost holiday security in NorthMin

Article Inside Page


Showbiz News

Mariz Ricketts and Ronnie Ricketts


Muling mahihiwalay si Mariz Ricketts kay Ronnie Ricketts sa isa't isa ngayong May.

Miss na agad ni Mariz Ricketts ang kanyang asawa na si Ronnie Ricketts.

Ayon sa post ni Mariz, nasa ikalawang lock-in taping na siya ng Apoy sa Langit. Si Mariz ay gumaganap sa Kapuso Afternoon Prime series bilang Blessie.

Mariz Ricketts and Ronnie Ricketts

Photo source: marizricketts

Saad ni Mariz sa kanyang Instagram post, "Good morning, @ronnie.ricketts ❤️ Miss you na! Haha!"

Isang post na ibinahagi ni Mariz Ricketts (@marizricketts)

Dugtong pa ni Mariz, dasal niyang maging ligtas ang lahat ng kanyang mga katrabaho sa kanilang pagbabalik taping.

"2nd lock-in taping for #ApoySaLangit starts today. I pray for guidance and protection at work for everyone."

Si Mariz ay napapanood na ngayon sa GMA Network pagkatapos ng kanyang 12-year acting hiatus. Sinabi rin dito ng aktres na ito ang unang beses niyang mahiwalay sa kanyang asawa na si Ronnie.

"Alam ko naman ang setup ng bagong mundo ng taping, lock-in, pandemic pa rin tayo, so in-embrace namin ni Ronnie ang chance na 'yun," kuwento ni Mariz.

Dugtong pa niya, "This is the first time na nagkahiwalay kami nang matagal. For 28 years, hindi kami naghihiwalay and then ito 'yung challenge sa amin."

Ang celebrity couple na sina Ronnie at Mariz ay 28 years nang mag-asawa.

Silipin ang sweetest photos nina Mariz at Ronnie dito: