GMA Logo Mariz Umali at Raffy Tima
What's Hot

Mariz Umali at Raffy Tima, sinabing 'eye-opener' ang 'Balota'

By Dianne Mariano
Published October 21, 2024 7:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Can the Philippines turn motorcycles into a tourism engine?
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Mariz Umali at Raffy Tima


Kapuso journalist Mariz Umali sa pelikulang 'Balota': “Ang tagal, tagal na naming nagko-cover ng elections pero talagang eye-opener pa rin talaga siya.”

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng block screening ang GMA Integrated News para sa pelikulang Balota, na pinagbibidahan ni Marian Rivera.

Kabilang sa mga nakapanood nito ay ang real-life couple na sina Mariz Umali at Raffy Tima. Sa isang panayam, ibinahagi ng Kapuso journalists ang kanilang reaksyon matapos mapanood ang pelikula.

“Ang tagal, tagal na naming nagko-cover ng elections pero talagang eye-opener pa rin talaga siya. And grabe 'yung makita mo 'yung sakripisyo ng mga guro natin para mapanatili 'yung integridad ng ating boto. So the least that we can do is panatilihin na sagrado 'yung mga boto natin at ang pinakamahalaga d'yan, bumoto tayo. 'Wag nating sayangin,” ani Mariz.

Dagdag ni Raffy, labis ang ganda ng ending ng istorya ng Balota at eye-opening ang mga eksena nito.

Aniya, “Ang ganda ng ending, sobrang ganda ng ending. 'Yung buong movie, parang binuod lang n'ya 'yung mga kino-cover namin nang matagal. Very familiar siya pero, at the same time, sabi nga ni Mariz, eye-opening pa rin 'yung mga scenes.”


Samantala, nagkaroon ng surprise visits kamakailan ang Kapuso Primetime Queen sa iba't ibang sinehan, na nagpasaya sa masuswerteng Balota viewers. Nagpasalamat din ang award-winning actress sa lahat ng mga sumusuporta sa kanyang pinagbibidahang pelikula.

Isang post na ibinahagi ni Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)

RELATED GALLERY: Celebrities na nagpakita ng suporta sa 'Balota' premiere night