What's Hot

Mariz Umali, EJ Gomez, at Glaiza de Castro, pinarangalan sa 'Gawad Pilipino Babae Ka Awards'

By Kristine Kang
Published March 24, 2026 11:25 AM PHT
Updated March 24, 2026 5:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

UAAP: La Salle downs UST to boost women’s volleyball Final Four chances
Persons of interest in killing of businesswoman identified
Filipina artist Jenny Santi shines in New York with debut solo exhibition

Article Inside Page


Showbiz News

Mariz Umali, EJ Gomez, Glaiza de Castro


Congratulations, Mariz Umali, EJ Gomez, at Glaiza de Castro!

Kinilala muli ang ilan sa mga magagaling na Kapuso stars at journalists ngayong taon.

Kamakailan, ipinarangal ng Gawad Pilipino Babae Ka Awards ang ilang personalidad na may natatanging kontribusyon sa pagtaguyod ng kababaihan sa iba't ibang larangan.

Iginawad sa Kapuso reporter at Unang Hirit host na si Mariz Umali ang Outstanding Female News Anchor award.

Samantala, pinarangalan naman ang GMA Integrated News journalist na si EJ Gomez bilang Outstanding Female Field Reporter.

Sa larangan ng showbiz, nanalo ang Encantadia Chronicles: Sang'gre star na si Glaiza de Castro bilang Woman of Excellence in Acting.

Labis ang pasasalamat ng tatlo sa prestihiyosong pagkilalang ito, lalo na't ngayong idinidiwang ang Buwan ng mga Kababaihan.

"These kinds of awards challenge stereotypes. Ibig sabihin, dito mapapatunayan na hindi lang lalaki ang may kaya sa mga bagay-bagay. Kundi kung ano kaya ng lalaki, kayang-kaya gawin ng babae," ani Mariz sa Unang Balita.

Dagdag naman ni EJ, " This serves as a challenge for me na ipagpatuloy 'yung mga responsibilidad at obligasyon namin bilang isang tapat at marangal na journalist."

Para naman kay Glaiza, " Isa itong paalala sa akin na patuloy kong pagbutihan [at] pag-isipan ang mga ginagawa ko. Hindi lang sa larangan ng pag-arte, kundi sa mga adbokasiya ko (at) sa mga projects na pinipili ko."

Ang layunin ng Gawad Pilipino Babae Ka Awards ay ipagdiwang ang mga talento at serbisyo ng mga kababaihan na may mahalagang kontribusyon sa bansa sa kani-kanilang larangan. Hindi lang sa mga nasa telebisyon, kundi pati na rin sa radyo, politika,

Samantala, balikan ang mga nagwaging Kapuso stars, personalities, programs, at films sa 8th Gawad LaSallianeta, dito: