GMA Logo Mariz Umali
Source: marizumali (Instagram)
What's on TV

Mariz Umali, inudyok na sumali sa beauty pageant pero piniling maging reporter

By Jimboy Napoles
Published April 2, 2024 9:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

AiAi Delas Alas sells wedding, engagement rings to Boss Toyo: ‘Para may closure na rin’
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Mariz Umali


Kung hindi isang reporter, baka rumarampa na rin ngayon sa beauty pageant si Mariz Umali.

Inamin ng Kapuso journalist na si Mariz Umali na minsan na rin siyang inengganyo ng kaniyang mga kaibigan noon na sumali sa beauty pageant partikular na sa Binibining Pilipinas.

Sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Lunes, April 1, masayang nakipagkuwentuhan si Mariz sa batikang TV host kasama ang kaniyang asawa at kapwa mamamahayag na si Raffy Tima.

Kuwento ni Mariz kay Boy Abunda, “Noong college po ako may nag-invite po sa akin na sumali sa Binibining Pilipinas pero parang hindi po talaga para sa akin 'yun.”

“Unang-una hindi ko nga kayang magsuot ng two-piece e,” biro pa ng GMA Integrated News reporter.

Paglalahad pa ng Unang Hirit host, naudyok din siya noon na tumakbo pa bilang Chairman ng student council sa University of the Philippines pero mas ginusto niyang makapagtapos na at magtrabaho bilang isang news reporter.

Aniya, “Noong time po na 'yun, nag-number one po ako na Councilor sa university student council and then after that I was supposed to run for Vice Chairman, kaya lang last minute, biglang nag-backout 'yung chairman namin and then I was asked to run for that chairmanship.

“Pero talagang noong time po na 'yun inisip ko na lang 'yung mga colleagues ko na talagang ine-encourage ako pero talagang my mind was already for reporting.”

Ayon pa kay Mariz, “Noong time na po 'yun kasi pa-graduate na po ako. If I won doon sa chairmanship na 'yun, mag-stay pa ako for another semester, pero ga-graduate na ako e, and talagang gustong-gusto ko nang maging reporter, gusto ko nang pumasok sa GMA-7.”

RELATED GALLERY: Mariz Umali at Raffy Tima, ikinuwento ang buhay bilang mamamahayag