GMA Logo mariz umali and raffy tima
What's on TV

Mariz Umali, tinanong si Raffy Tima tungkol sa pagkakaroon ng anak

By Jimboy Napoles
Published April 2, 2024 9:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Nine Cavs hit double figures during blowout of Pelicans
This show from Seoul features dashing oppas and will debut in Manila
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes

Article Inside Page


Showbiz News

mariz umali and raffy tima


Mariz Umali kay Raffy Tima: 'Kung sakali ba na hindi na tayo magkaanak, OK pa rin 'yun?'

Nakakuha ng pagkakataon ang Kapuso journalist na si Mariz Umali na tanungin ang kaniyang asawa at kapwa mamamahayag na si Raffy Tima tungkol sa pagkakaroon ng anak sa Fast Talk with Boy Abunda.

Matatandaan na 12 taon nang kasal sina Mariz at Raffy at naghihintay na mabibiyayaan ng supling.

Sa pagbisita nina Mariz at Raffy sa nasabing talk show ngayong Lunes, April 1, inalam ng batikang TV host na si Boy Abunda kung anu-ano ang mga gusto nilang itanong sa isa't isa na hindi pa nila nagagawa noon.

Unang nagtanong si Mariz sa kaniyang mister na si Raffy, “Kung sakali ba na hindi na tayo magkaanak, okay pa rin 'yun?”

May makahulugang sagot naman si Raffy sa tanong ng misis na si Mariz.

Aniya “Of course, okay lang 'yun. Kasi, unang-una bilang si Mariz Umali, marami na siyang na impluwensyahan, marami na siyang anak, Tito Boy.”

Dagdag pa niya, “Marami siyang na-influence dun sa kanyang magandang buhay, so ang dami naming tinuturing na mga anak-anakan at we're very proud of them. Mga naging kaibigan na namin sila.”

Matapos ito, bumawi naman ng tanong si Raffy kay Mariz, “Ano 'yung nakita mo sa akin na ako 'yung pinili mo?”

Kinikilig na sagot ni Mariz, “Natatalinuhan ako sa kanya pero I didn't know na sobrang funny rin pala niya.

Nakangiti pang sinabi ng GMA Integrated News reporter, “So, parang it's a complete package, everything that I need, everything that I want and everything that I hoped for and I prayed for, nasa kanya."

Samantala, bukod sa 24 Oras, mapapanood din si Mariz tuwing umaga bilang host ng morning show na Unang Hirit sa GMA habang tuwing tanghali naman si Raffy sa news program na Balitanghali sa GTV.

RELATED GALLERY: Mariz Umali at Raffy Tima, ikinuwento ang buhay bilang mamamahayag