
Isini-ship ngayon ng Pinoy viewers sina Marj at Edward, ang mga karakter nina Beauty Gonzalez at Martin Del Rosario sa intense drama series na House of Lies.
Kasunod ito ng isang mabigat na rebelasyon sa serye - ang secret affair nina Paolo at Thea (Mike Tan at Kris Bernal), ang mga asawa nina Marj at Edward (Beauty Gonzalez at Edward).
Ayon sa ilang viewers, kung sina Marj at Edward (Beauty Gonzalez at Edward) daw sana ang naging mag-asawa ay hindi sana sila nasaktan.
Sabi naman ng iba pa, kung magkakaroon ng legal na proseso ay gusto nilang ang dalawa na lang ang magkatuluyan.
Mapapanood sa TikTok ang ilang kulitan nina Beauty at Martin bilang sila Marj at Edward.
Narito ang ilang positive reactions ng viewers kina Marj at Edward:
@martinmigueldelrosario Sakit naman nun Marj ❤️🩹❤️🩹❤️🩹 #houseoflies @Beauty Gonzalez ♬ OVERDRIVE - TWS
Samantala, patuloy na nakatatanggap ng papuri mula sa fans, viewers, at netizens ang lead stars ng House of Lies na sina Beauty Gonzalez, Mike Tan, Martin Del Rosario, at Kris Bernal sa ipinapakita nilang husay sa pag-arte.
Related gallery: Silipin ang bonding moments ng cast ng House of Lies sa gallery sa ibaba.
Ano pa kaya ang susunod na mangyayari sa pamilya Torrecampo?
Patuloy na tumutok sa intense drama na House of Lies.
Ipinapalabas ang serye mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream, at mapapanood din ito sa GMA Play.