
Sa 24 Oras, nakapanayam ni Lhar Santiago si Alma Moreno at ang anak niyang si Mark Anthony Fernandez.
Ani Alma, "Sobrang saya for Mark na pinagdadasal ko na sana, Diyos ko, tuloy-tuloy itong kay Mark, 'yung work niya. At tuloy-tuloy na rin ang clean living ni Mark."
Magbabalik showbiz na rin ang aktor. At isa sa mga magiging proyekto niya ay ang reunion project niya with his ex-girlfriend Claudine Barretto. Ika ni Mark, "I feel very honored and excited also na magkaka-reunion kami."
Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras:
Video courtesy of GMA News