Showbiz News

Mark Anthony Fernandez, magkaka-reunion movie with Claudine Barretto

By Gia Allana Soriano

Sa 24 Oras, nakapanayam ni Lhar Santiago si Alma Moreno at ang anak niyang si Mark Anthony Fernandez.

Ani Alma, "Sobrang saya for Mark na pinagdadasal ko na sana, Diyos ko, tuloy-tuloy itong kay Mark, 'yung work niya. At tuloy-tuloy na rin ang clean living ni Mark."

Magbabalik showbiz na rin ang aktor. At isa sa mga magiging proyekto niya ay ang reunion project niya with his ex-girlfriend Claudine Barretto. Ika ni Mark, "I feel very honored and excited also na magkaka-reunion kami."

Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras:

Video courtesy of GMA News