What's on TV

Mark Bautista, buena manong guest sa new normal ng 'TBATS'

By Cherry Sun
Published September 10, 2020 5:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Drug war victims reject Duterte camp bid for info related to case participants
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Mark Bautista


Your favorite late-night comedy variety show is back! Tutok na ngayong Linggo, September 13 at huwag palampasin ang new episode ng 'The Boobay and Tekla Show' ngayong new normal!

Hindi lang fresh kundi hot na hot din ang bagong episode ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) dahil sasalang sa maintrigang bukingan si Mark Bautista ngayong Linggo, September 13.

Mark Bautista

Si Mark ang uupo sa hot seat ng 'Feeling the Blank' segment kung saan hindi niya uurungang sagutin ang controversial questions nina Boobay at Tekla. Magpapamalas din ng improvisational skills ang Kapuso star at international stage actor sa segment na 'Boobay and Tekla Presents…. Si Malakas at si Maganda.'

Maliban kay Mark, bibisita rin sa programa ang ibang sikat na celebrities tulad ng cast members ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) at Encantadia. Ramdam na ramdam din ang simula ng Kapaskuhan sa pagsilip ni Jose Mari Chan sa TBATS studio!

Muli n'yo na ring mapapanood ang 'Dear Boobay at Tekla.' Ipapakilala naman ng fun-tastic duo ang bagong segment na 'Pasikatin Natin 'To!' kung saan ipapakita ang funniest videos na ipinadala ng ating mga ka-TBATS.

Tuloy-tuloy ang laugh trip kahit may krisis! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, September 13, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!