
Sa pagbisita ni Mark Bautista sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, November 6, binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang panliligaw umano ng singer kay Sarah Geronimo noon.
“Nag-attempt. But I failed,” pag-amin ni Mark na ayon kay Boy ay nangyari noong 2007 o 2008.
Matatandaan na taong 2003 nang sumali si Mark sa isang singing competition kung saan si Regine Velasquez ang host, at isa naman sa judges si Boy. Iyon umano ang unang pagkakataon na sumali siya ng singing contest dahil sa kaniyang pagiging mahiyain.
“Ang motivation ko that time was dahil walang trabaho 'yung papa ko, wala kaming business. 'Yung mama ko, wala rin trabaho, nag-stop 'yung mga kapatid ko sa pag-aaral, so parang isa 'yun sa mga motivation ko. So 'yun 'yung nag-push sa 'kin,” sabi ni Mark.
KILALANIN ANG MGA BABAE SA BUHAY NI MARK BAUTISTA SA GALLERY NA ITO:
Sa pagtatapos ng kompetisyon ay nagwagi si Sarah habang runner-up naman si Mark. Ngunit kahit ganoon ang naging resulta, hindi naman umano nadismaya ang Premiere Balladeer dahil base sa performance ng Pop Star Princess ay siya talaga ang dapat manalo.
“Kasi nakita ko 'yung performance niya, nasabi ko, 'Sya talaga 'yung panalo.'”
Ang contest din na iyon ang naging daan para matupad ang pangarap niyang maging isang recording artist. Sa parehong interview, binalikan din ni Mark ang simula ng kaniyang karera, kung saan ibinahagi niyang ito ang pangarap niya.
“Kasi dati karaoke lang, nagre-record ako sa isang blank tape ng mga songs. Nilalagay ko sa tape, tapos 'yung blank tape, nilalagyan ko ng picture [ko]. So ang dream ko nu'n is magka-album lang,” sabi ni Mark.
Panoorin ang panayam kay Mark dito: