GMA Logo Mark Bautista
What's Hot

Mark Bautista, nabawi na ang IG account matapos itong ma-hack

By Aedrianne Acar
Published August 10, 2023 11:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Basilan, may pinakamataas na antas ng mga batang bansot sa Pilipinas — EDCOM II
Remains of OFW killed in Israel brought home to Pangasinan
Huwag Kang Titingin | OFFICIAL MOVIE TRAILER

Article Inside Page


Showbiz News

Mark Bautista


Hirit ng Kapuso singer na si Mark Bautista, “Sana hindi naman ako gisingin ulit ng kapatid ko ng 4 am dahil na-hack IG ko.”

Mapapanatag na ang loob ng All-Out Sundays mainstay na si Mark Bautista matapos mabawi niya ang kaniyang Instagram account na na-hack.

Nitong Lunes, August 7, nag-post sa X (formerly Twitter) ang OPM idol para ipaalam sa publiko na wala na siyang control sa kaniyang IG page.

CELEBRITIES NA BIKTIMA NG HACKERS:


Pero nang sumunod na araw (August 8), masayang ibinalita naman ni Mark na nabawi na niya ang kaniyang account.

Sabi niya sa post, “This is crazy!! I think I'm back?”

“First of all thanks to everyone who reported this account and to all my friends who messaged me showing their concerns. I already deleted all the sexy photos (my gulay), but I think she/he/they also deleted all my posts.”

A post shared by Mark Bautista (@iammarkbautista)


Umamin naman si Mark na dahil sa insidente, medyo may takot na siya mag-post.

Lahad niya, “I feel like I'm scared to post anything now. Anyway I'm still trying to figure this out for now, I'll just start by saying- Take extra care and stay safe everyone!

“I can now sleep. Sana hindi naman ako gisingin ulit ng kapatid ko ng 4 am dahil na-hack IG ko.”

Ilang celebrities naman ang nagkomento sa post ng Kapuso artist nang mabawi niya ang kaniyang Instagram. Sabi sa kaniya ng award-winning Broadway actress na si Lea Salonga na kahit binura ng hackers ang kaniyang mga post, puwede naman daw niya i-rebuild ang kaniyang IG page.