GMA Logo Mark Bautista
Photo by: Luis Manzano YT
What's Hot

Mark Bautista, naging wake-up call sa buhay ang dinanas na shooting incident

By Kristine Kang
Published August 12, 2024 3:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Protesters rally in Denmark and Greenland against Trump annexation threat
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Mark Bautista


Pangako ni Mark Bautista sa kanyang sarili, "I'll be happy (and) free, and I'll just live my life."

Labis pa rin ang pasasalamat ng Kapuso singer na si Mark Bautista sa kanya raw pangalawang buhay matapos ang shooting incident sa Seattle, Washington noong 2017.

Sa kanyang panayam kasama si Luis Manzano sa YouTube, binalikan ng OPM singer ang nakakatakot niyang experience kasama ang kanyang mga kaibigan sa musical theater play sa USA.

"Nasa likod kami, 'yung nag-Uber kami, and then may kotse lang sa harap namin na biglang nag-stop. (And) then may lumabas na lalaki sa sun roof nila. May hawak na dalawang baril talaga," pahayag ni Mark.

Dagdag din niya, "So talagang gumanun, [lumingon] siya sa likod... paulan talaga siya ng baril."

Kuwento rin ni Mark, sobrang natakot sila ng kanyang mga kasama na makitang nabutas ang mga pintuan at nabasag ang salamin ng kanilang kotse. Akala rin niya na katapusan na nila ito at hindi na siya makaka-uwi ng Pilipinas.

"So ako talaga noon, akala ko talaga last na iyon na hindi na ako makakauwi ng Pilipinas. Ganoon na 'yung feeling ko," paliwanag ni Mark.

Dahil sa insidente, nagkaroon ng wake-up call ang OPM singer na magpaka totoo na sa sarili. Dito na niya inisipan na aminin sa publiko na siya ay bisexual.

"Right after (admiting it), it was hard. Right after, I was ready na parang, 'Okay. Whatever happens, I'm okay. It's out there. Iyon naman ang gusto ko na parang wala nang tanong-tanong, wala nang ano-ano, I'll be happy (and) free, and I'll just live my life," sabi niya.

Maliban dito, ipinangako rin ni Mark ang kanyang sarili na mabuhay na masaya ayon sa kanyang gusto.

Sa ngayon, masayang ipagdiriwang ng Filipino singer ang kanyang 20 years sa showbiz industry. Excited na nga raw ito na gawin ang kanyang hinihintay na concert na "MARK my dreams" ngayong August 31 sa The Theater at Solaire.

Samantala, balikan ang Europe tour ni Mark Bautista sa gallery na ito: