What's on TV

Mark Bautista, may dine-date na artista: 'My heart is in the right place'

By Dianne Mariano
Published November 7, 2025 9:35 AM PHT
Updated November 7, 2025 10:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Comedian Kuhol dies at 66
PRO 7 chief checks Sarah Discaya, et al. in Lapu-Lapu City Jail
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Mark Bautista


Ayon sa Kapuso singer na si Mark Bautista, mayroong nagpapatibok ng kanyang puso.

Sinagot ng Kapuso singer na si Mark Bautista ang tanong sa kanya ng “King of Talk” na si Boy Abunda tungkol sa pag-ibig.

Sa pagbisita ni Mark sa programang Fast Talk with Boy Abunda, sumalang siya sa “Fast Talk” segment kung saan tinanong siya kung mayroon ba siyang nililigawan na artista.

"Dine-date,” sagot niya.

Dagdag naman na tanong ng seasoned TV host ay kung mayroon bang nagpapatibok ng puso ng mang-aawit.

"Yeah, marami. But kung espesyal, meron, Tito Boy. And my heart is in the right place," aniya.

Ayon pa kay Mark, dumating na lamang sa kanyang buhay ang taong nagpapatibok ng kanyang puso.

"I think dumating. And I think na-feel ko na parang, 'Ay shocks, ito 'yung taong komportable ako... I can be myself," pagbabahagi niya.

Inamin din ni Mark na nagkaroon ng panahon kung saan siya'y nawalan ng paniniwala sa pag-ibig.

"Yeah kasi matagal din, Tito Boy. Matagal akong parang napo-frustrate dahil parang feeling ko, 'Ako ba 'yung may problema?' Parang gano'n. Masyado akong choosy ba? or masyado ba akong hindi na marunong magmahal ba?" kwento niya.

Related gallery: Surprising Celebrity Ex-Couples You Didn't Know About

Samantala, kabilang si Mark sa judges ng Veiled Musicians Philippines, kasama sina Julie Anne San Jose, Rita Daniela, at Tiffany Young ng Girls' Generation, na guest judge.