GMA Logo Mark Escueta
Celebrity Life

Mark Escueta, ikinuwento ang naranasang bike accident

By Maine Aquino
Published March 14, 2024 6:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Suspek sa paghagis ng granada sa Matalam, Cotabato, patay nang manlaban umano sa mga pulis
'Lantakâ' injures 6-year-old boy, 2 others in NegOr

Article Inside Page


Showbiz News

Mark Escueta


"Alas, the unfortunate has happened." - Mark Escueta

Ibinahagi ni Mark Escueta na nakaranas siya ng bike accident at kung paano siya nakatanggap ng tulong.

Ayon sa Rivermaya lead singer/drummer na si Mark, "Ako ang hari ng saklay!"

Ipinaliwanag ni Mark sa isang Facebook post kung paano nangyari ang aksidente noong Linggo (March 10) at mga injuries na natamo rito.

"Alas, the unfortunate has happened. Sunday, around 11:30 am, I was rear-ended by a motorcycle about 1km from home. Small fracture on my right knee, and 1 fractured rib. Injuries from me hitting the ground. Wasak likod ng Brompton ko. But that's okay. It could have been much worse."

RELATED GALLERY: Celebrities who are certified siklista!


Ayon pa kay Mark, may lumapit sa kaniya para tumulong at nagpakilalang doktor.

"While on the ground, may lumapit agad at nag pakilala na Doctor siya (sorry po Doc at di ko maalala ang pangalan mo kasi medyo panic mode pa). Chineck niya ako at sinabi na mukhang di naman sobrang lala ng injuries ko, based on his initial assessment. Laking bagay para gumaan yung loob ko. Mag pa X-Ray daw ako asap. Thank you Papa Jesus for sending him."

Nang matulunggan siyang mapunta sa tabi ng daan, tinawagan ni Mark ang asawang si Jolina Magdangal at kaibigan para ibalita ang nangyari sa kaniya.

"Tinulungan akong mapunta sa tabi ng daan, di ko maiapak ang right foot ko. Tumawag ako kay Jolina (na nasa Batangas kasi guest siya sa Vlog ni Juday), then kay Joseph (good friend who works at St. Lukes), at nag book na ako ng Grab papuntang St. Luke's QC."

Nagpasalamat din si Mark sa mga tumulong sa kaniya.

"Thank you so much brothers Joseph David Pancho D Gonzales and Dr. Paolo Luna of SLMC-QC for taking care of me. Pati sa mga tumulong sa akin sa E.R. and sa Patient Experience. Thank you rin Kaka Castillo, labyu…"

Sa huli, pinasalamatan ni Mark si Jolina at kanilang mga anak. Ayon pa kay Mark, kailangan niya munang magpahinga at magpagaling.


"Thank you Mahal, Pele & Vika for taking care of me here at home. Pinauwi naman ako kaagad, no need to be admitted… Pahinga muna ako (pati Rivermaya) for a few weeks. Tama lang kasi di pa rin maka move-on sa Reunion…"

Kasunod nito ay ang hiling ni Mark na ipagdasal ang kaniyang full recovery. Paalala pa ni Mark na laging maingat sa daan.

"Please pray for my full recovery. Before drumming, biking was my first love. Ride safe mga kapatid… #KalusuganAyKayamanan."

SAMANTALA, KILALANIN ANG MGA PINOY ROCKSTARS NA SWEET LOVERS DITO: