What's on TV

Mark Herras at Anna Vicente, magtatambal sa maselang episode ng '#MPK'

By Marah Ruiz
Published January 14, 2021 6:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PHIVOLCS: Magnitude 6.6 quake near Taiwan no threat to PH
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Mark Herras and Ann Vicente


Maselan ang tema ng fresh at brand new episode ng '#MPK' na pagbibidahan nina Mark Herras at Anna Vicente.

Kontrobersiyal ang kuwentong mapapanood sa fresh at brand new episode ng real life drama anthology #MPK o Magpakailanman na mapapanood ngayong parating na Sabado, January 16.

Tungkol kasi ito sa isang babae na pilit ikininasal sa mismong lalaking sumira ng kanyang puri.

I Married My Rapist on MPK

Lumuwas ng Maynila si Rose sa murang edad para mamasukan bilang kasambahay.

Agad siyang magugustuhan ni Benji, isang security guard sa subdivision kung saan sila parehong nagtatrabaho.

Matagal na manliligaw si Benji kay Rose pero wala talaga sa isip ng dalaga ang pakikipagrelasyon.

Nais kasi nitong mag-concentrate sa pagtatrabaho para makaipon at kalaunan ay maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Hindi naman matanggap ni Benji ang patuloy na pagtanggi ni Rose sa kanya.

Kaya isang gabi habang nagtatapon ng basura sa labas ng bahay si Rose, dudukutin siya ni Benji at pagsasamantalahan.

Makakapagsumbong sa pulis si Rose sa tulong ng kanyang mga amo.

Makakarating sa probinsya ni Rose ang balita tungkol sa sinapit niya sa Maynila.

Dahil dito, aatakihin sa puso ang kanyang ama. Magiging tampulan din ng tsismis ang kanyang pamilya.

Makikiusap naman si Benji sa pamilya ni Rose na iurong ang kaso laban sa kanya. Magiging kapalit nito pagpapakasal kay Rose para iligtas ito mula sa iskandalo, pati na ang tulong sa pagpapagamot ng ama nito.

Tatanggapin naman ang ina ni Rose ang alok ni Benji dahil sadyang salat ang kanilang pamilya.

Paano magagawang makisama ni Rose taong nagsamantala sa kanya?

Abangan ang kahihinatnan ni Rose sa brand new episode na pinamagatang "I Married My Rapist" ngayong Sabado, January 16, 8:00 pm sa '#MPK.'

Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito.