
Lubos ang pasasalamat ni Mark Herras nang magbalik-trabaho na matapos mahinto ng mahigit limang buwan dahil sa COVID-19 community quarantine.
Aniya sa kanyang Instagram post kamakailan, nakaka-proud maging Kapuso matapos siyang bigyan muli ng proyekto ng Network.
"Back to work .... Thank you Lord!!! Maraming salamat po para sa lahat lahat!!" sabi ni Mark, kalakip ng isang larawan ng GMA main building, sabay dugtong ng "#kapuso #alwaysproudtobeakapuso #GMA."
Ipinakita naman ni Mark sa hiwalay na post ang kanyang new look para sa kanyang new project.
Ayon sa kanyang caption, "weird" ang pakiramdam ngayong nasa new normal ang setup ng TV production. Gayunpaman, hindi sya nagreklamo at nagpasalamat na lang dahil blessing ang pagkakaroon ng trabaho ngayong panahon ng pandemya.
Saad niya, "Back to work it feels weird pero maraming maraming salamat po #alwaysproudtobeakapuso."
Mapapanood si Mark, kasama ang ilang bigating artista, sa Shopee 9.9 Super Shopping Day TV Special bukas, September 9, 8:30 - 10:30 p.m., sa GMA News TV.