What's Hot

Mark Herras, gaganap na kontrabida sa kanyang upcoming project

By Jansen Ramos
Published August 16, 2018 5:46 PM PHT
Updated August 16, 2018 5:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Anton Vinzon reacts to fan ship with Carmelle Collado
Young students showcase math skills in Mangaldan
Marian Rivera's Italian designer bag completes her pink outfit

Article Inside Page


Showbiz News



No more goody two-shoes role for Mark Herras? What will he do next?

Magandang balita kaagad ang sumalubong kay Mark Herras matapos niyang i-renew ang kanyang kontrata sa GMA Network.

Ibinahagi ni GMA Entertainment Content Group head Lilybeth Rasonable na mayroon na siyang gagawing proyekto sa Network kung saan gaganap siya bilang kontrabida.

Paliwanag ng GMA exec, "Pagka ganyan, we're able to stretch his abilities. It shows his maturity and his growth as an artist na willing to tackle not only good boy roles but also a wider range of roles for him as an actor."

Unang natunghayan si Mark bilang kontrabida sa defunct primetime series na The Cure at aniya, challenging ito para sa kanya. "Yung mga ginagawa kong roles noong mga nakaraan is 'yung bida o nag-le-lead, so this time, I wanna try itong kontrabida roles."

"Mas challenging gawin, pangalawa, siguro mas dun ko kayang laruin yung character," patuloy niya.

Wala pang ideya ang 31-year-old actor sa kanyang upcoming show pero malaki na ang kanyang pasasalamat sa Network dahil binibigyan siya ng pagkakataong gawin kung ano ang gusto niyang role.

Kuwento niya, "Sabi nila may upcoming show [ako]. Kahit ako, wala pa akong idea, kung ano at kailan. So, I'm just really thankful for these opportunities na ibinibigay sa'kin ng GMA since kakapirma ko lang ulit ng kontrata."

Willing kaya siyang makatrabaho ang kanyang girlfriend na si Teresita Ssen?

Mabilis na sagot ni Mark, "Wala namang imposibleng mangyari. Malay mo bigay sa'min ng Network. Pag-partner-in [kaming] dalawa, so why not?"

"Siyempre pareho kaming magiging excited to do that na magkatrabaho kami together. It's a good feeling na you're working with your special someone," dagdag niya.