What's Hot

Mark Herras, ginawan ng dance steps ang bagong kanta ni Betong Sumaya

By Cherry Sun
Published May 12, 2020 11:33 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump wants nations to pay $1 billion to stay on his peace board, report says
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

Mark Herras and Betong Sumaya


I-TikTok na 'yan! Panoorin ang choreography ng Bad Boy of the Dance Floor na si Mark Herras para sa new single ni Betong Sumaya na “Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko!”

Nagpapasalamat si Betong Sumaya dahil sa dance steps na ginawa ni Mark Herras para sa kanyang bagong single na “Nang Minahal Mo ang Mahal Ko.”

Ni-release ni Betong ang kanyang kauna-unahang single noong April 28. Ang “Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko” ay isang original composition na handog ng GMA Music.

Ginawan ni Betong ng isang nakakatawang performance video ang kanyang single.

At mas natuwa pa ang komedyante nang makita ang choreography na ginawa ng kanyang kapwa Kapuso star na si Mark.

Aniya, “Wow amazing thanks 'Mr. Bad Boy of the Dance Floor' Mark Herras sa ginawa mong dance step para sa aking debut single "Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko" composed by Jerry Olaguer under GMA Music.”

Wow amazing thanks "Mr Bad Boy of the Dance Floor" MARK HERRAS sa ginawa mong dance step para sa aking debut single "Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko" composed by Jerry Olaguer under GMA Music 😊 Pwede nyo na pong istream at idownload sa Spotify, Itunes, You Tube Music, Apple Music at sa lahat digital stores worldwide :) AmazkStay safe always guys, amazing 😉 #TyPoLORD #Blessing #BetongSingleNMMAMK

Isang post na ibinahagi ni Alberto S. Sumaya, Jr (@amazingbetong) noong

Maliban kay Mark, nagpahayag din ng suporta para kay Betong si Jean Garcia.

Ang “Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko” ay maaaring i-stream at i-download sa Spotify, iTunes, YouTube Music, Apple Music, at ibang digital stores worldwide.

Betong Sumaya sings his debut single, "Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko," in his #HealingHearts fundraising concert