What's Hot

Mark Herras, may advice sa mga contestants ng 'StarStruck'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 20, 2020 7:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

BTS debuts 'Swim' performance video on Spotify, Apple Music
2 classroom na may CR, ipapatayo ng GMAKF sa Dakit Elementary School | 24 Oras
Third alarm fire hits poultry storage facility in Cabatuan, Iloilo

Article Inside Page


Showbiz News



May words of wisdom si Mark para sa 'StarStruck' hopefuls. 
By ANN CHARMAINE AQUINO

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Isa sa mga pagdadaanan ng StarStruck contestants ay ang paggawa ng ilang challenges na ibabato sa kanila. Bilang segment host at StarStruck Ultimate Male Survivor, may advice si Mark Herras para sa Season 6 hopefuls na dadaan sa pressure na kanyang pinagdaanan noon.
 
"Well, kasama talaga 'yung pressure. Siguro pinaka magiging advice ko sa kanila is just enjoy every moment."
 
Pinaalalahanan din ni Mark na bilang mga contestants, kailangan nilang magpasalamat sa lahat ng kanilang maa-achieve. Aniya, "Stay humble at saka lagi kayong magpasalamat una kay Lord, magpasalamat kayo sa mga taong tumulong sa inyo from the day you started hanggang sa matapos 'yung StarStruck season."
 
"Dapat marunong kang makisama sa kahit kanino or sa makakatrabaho mo kasi pinaka-importante 'yun sa mundo natin [sa showbiz]," dagdag niya.
 
Ayon kay Mark, isa sa mga lessons na dapat tandaan ng mga taong papasok sa showbiz ay ang pagiging mabait na katrabaho.
 
"Kasi kung ikaw mismo mahirap kang pakisamahan or mahirap kang katrabaho doon palang mahihirapan ka na umangat sa industriya natin."
 
LOOK: Meet the Dream 14
 
LOOK: Meet the Believe 14