Article Inside Page
Showbiz News
Ano ang pagbabagong ito kay Mark?
Malaking pagbabago ang dulot ng pagiging ama ni Mark Herras sa kanyang pananaw sa buhay.
Kung dati-rati daw ay mahilig siyang gumastos para sa kanyang sarili, ngayon ay naglalaan na siya ang para sa kanyang anak na si Ada Sofia Nicolette.
Nag-first birthday si Ada noong Nov. 9 kaya’t punong abala si Mark.
At dahil first-timer sa ganitong mga bagay, laking tulong daw ng kanyang Starstruck 1 batchmates sa pag-organize ng children’s party.
Kasamang nag-celebrate ni Mark at ng kanyang Stastruck friends ang kani-kanilang mga anak.
Kumusta naman ang feeling?
“Iba ‘yung pakiramdam. Hindi naman ako naging emotional. Alam mo ‘yung pakiramdam. Parang gusto mong umiyak,” aniya sa panayam ng
Startalk.
Paano naman ang kanyang lovelife?
“Sa ngayon wala pa naman akong nililigawan. Pero package na ‘yan. Hindi lang ako. Kumbaga kung sakaling mayroon akong ligawan, dapat tanggap niya si Ada nang buong-buo kasi kung hindi, hindi pwede,” seryosong sabi ng aktor.