GMA Logo mark herras and nicole donesa with their child corky
Celebrity Life

Mark Herras, nagpapagawa na ng family house nila ni Nicole Donesa

By Jansen Ramos
Published August 10, 2022 4:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 17, 2025
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

mark herras and nicole donesa with their child corky


Ang bahay na pinapagawa ni Mark Herras ay ang dating bahay niya na dinemolish para i-rebuild bilang family house.

Sakto ang pagdating ng bagong TV project na Unica Hija kay Mark Herras dahil kasalukuyan silang nagpapagawa ng bahay ng asawa niyang si Nicole Donesa.

Ang bahay na pinapagawa ni Mark ay ang dating bahay niya sa Commonwealth sa Quezon City na dinemolish para i-rebuild bilang family house.

Tinawag nila itong "Casa Corky" na ipinangalan nila sa anak nila ni Nicole na si Mark Fernando na may palayaw na Corky--pinagsamahang mga pangalan nina Nicole at Mark.

"We're rebuilding the house. Ayon 'yung bahay ko sa may Commonwealth na, siyempre, sa 'min na nga 'yun nila Nicole. Basically it's for Corky, sa anak namin, pero super renovation siya kasi parang dinemolish 'yung bahay. As in from scratch siya gagawin," bahagi ni Mark sa panayam ni GMA News entertainment correspondent Lhar Santiago sa story conference ng Unica Hija.

Ayon kay Mark, gagawing moderno ang istilo ng bahay at maglalagay ng man cave para sa kanyang video game streaming.

Aniya, "It's the same size, 'di ko naman pinalakihan 'yung bahay. Ginawa lang siyang modern 'yung design ng bahay, minaximize lang 'yung space. Talagang ginamit lahat ng lupa sa bahay para lang din magmukha siyang malaki, pero it's the same size doon sa bahay ko before and may mga ilang upgrades lang pero, basically, it's a different house na kasi talagang dinemolish siya.

"It's gonna be a modern house na mas pang family, siyempre. May mga dinagdag si Nicole for the house. Actually 'di na ko nangialam basta kailangan ko lang ng man cave sa bahay but the rest--kitchen, dining, whatever--sabi ko kayo na bahala."

Late March ngayong taon nang sinimulan nilang ipagawa ang kanilang future family home.

A post shared by Nicole Kim Donesa-Herras (call me Ico) (@nicole_donesa)

January 31, 2021 nang isilang ni Nicole ang unang anak nila ni Mark na si Corky.

Ikinasal ang Kapuso couple noong September 8, 2021 sa isang civil wedding ceremony sa Quezon City.

NARITO ANG ILANG CUTE PHOTOS NG KANILANG ONE-YEAR-OLD SON: