
Sunod-sunod ang celebrity scandals na kumakalat sa Internet ngayong taon. Ano kaya ang opinyon ni Kapuso star Mark Herras tungkol sa issue?
By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Sunod-sunod ang celebrity scandals na kumakalat sa Internet ngayong taon. Dahil dito, tinanong namin ang reaksyon ni Little Nanay star Mark Herras tungkol sa issue.
Linaw ni Mark, hindi niya sinasabing totoo ang lumalabas na scandals pero ayon sa kanya, masuwerte na lamang daw dahil puro lalaki ang mga nasa video.
"Kasi kung nagkataon, kung babae 'yung nagkaroon ng scandal, sobrang laking bagay na naman 'yon sa industriya natin. Kung nagkataong lalaki, yes pag-uusapan siya for a couple of weeks pero makakalimutan na 'yon," paliwanag ni Mark.
Mayroon din payo si Mark sa mga kapwa artista lalo na sa mga mas nakababata sa kanya. Aniya, "Sa young actors na nakikita at nababalitaan nila 'yung mga nangyayari sa seniors nila, siguro gawin nilang guide 'yon [para] maging extra careful sila kasi hindi rin nila masasabi kung ano'ng puwedeng mangyari."
MORE ON MARK HERRAS:
WATCH: Mark Herras, nagpa-cute kay Wyn Marquez online
READ: Mark Herras, pursigido pa rin sa panliligaw kay Wyn Marquez