
Ang ilan sa mga kababayan nating OFW, nagpapakahirap sa trabaho sa ibang bansa matulungan lang ang kanilang pamilya rito sa Pilipinas.
Isa na diyan si Oliver (Mark Herras), na tampok Tadhana episode na "Luho."
Isang engineer si Oliver sa Oman habang naiwan ang anak at asawa niyang si Lorena.
Kahit pa nagkasakit ay pinilit pa rin ni Oliver na maghanapbuhay para sa pamilya niyang panay hingi ng luho sa kaniya.
Lingid sa kaniyang kaalaman, bukod sa luho, may iba na pa lang kalaguyong lalaki ang asawa niya.
Paano kung ang luho ng pamilya ni Oliver, hindi na niya matustusan dahil sa pagkakaroon ng sakit?
Ano ang gagawin niya sa kanyang misis kapag nalaman niyang may iba pa pala itong '"luho" na pinagkakaabalahan?
Balikan sa Tadhana:
'Tadhana' at 'Karelasyon,' magpapainit ng inyong Sabado ngayong summer
Katrina Halili, panoorin bilang OFW na ina sa 'Tadhana'