GMA Logo Mark Herras gay parents
Celebrity Life

Mark Herras, proud na pinalaki ng gay parents: 'Kaya matindi ang gaydar ko'

By Jansen Ramos
Published November 4, 2025 2:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Nigerian government secures release of 100 kidnapped schoolchildren, Channels TV says
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Mark Herras gay parents


Inalala ni Mark Herras ang kanyang late adoptive father na si Claudio "Jun" Herras, Jr., na nagpalaki sa kanya katuwang ang nobyo nitong si Herminigildo Santos, na kung tawagin ng aktor ay "Papapim."

Inalala ni Mark Herras ang kanyang late foster parent na si Claudio "Jun" Herras, Jr. sa araw dapat ng ika-73 kapanganakan nito noong October 31.

Sa Instagram post ni Mark Herras, ibinahagi niya ang kanyang mensahe sa nagpalaki sa kanya katuwang ang nobyo nitong si Herminigildo Santos, na kung tawagin ng aktor ay "Papapim." Kalakip ng kanyang post ang ilang old photos nila kasama ang namayapang ina ni Mark na si Jasmin Santos.

"Happy birthday in heaven dad! Thank you dahil kayo ni papapim ang naging mga magulang ko. Yes, I was adopted & raised by gay parents simula pa noong pinanganak ako kaya magaling ako makisama sa mga beks, OBVIOUS ba?" panimula ni Mark. "KAYA MATINDI DIN ANG GAYDAR KO HAHAHA!!"

Noon pa man ay bukas na si Mark tungkol sa pagpapalaki sa kanya ng isang gay couple, bagay na never niya ikinahiya.

Patuloy niya, "Kung may rewind man ang buhay, silang dalawa pa rin ang pipiliin ko na maging magulang ko. Bakit?? Dahil gusto ko at proud ako na maging anak nila pero sadly wala na silang lahat. My dad, Papa Pim, mama, & mamang… Saklap 'no?"

Nagbigay din si Mark ng paalala sa kanyang followers na pahalagahan ang kanilang mga magulang hangga't may oras pa.

Aniya, "Kaya sa mga buhay pa ang magulang d'yan, maswerte kayo kaya sulitin n'yo kasi nga “life is too short”. Kahit na puro sermon sila, laging galit, laging sila yung tama, 'pag tayo mali na agad, ang daming utos lahat na lang pinapakialaman at inaalam nila."

Dagdag niya, "Maintindihan n'yo yan kapag naging magulang na rin kayo at nagkaroon na ng sariling pamilya. Hahaha promise tama sila sa lahat ng yan. Magpasalamat tayo sa walang sawa nilang pag-intindi, pagmamahal sa 'tin at sa mga sinakripisyo nila para sa 'tin."

Payo pa ni Mark, "'Wag n'yo ng antayin na maramdaman yung panghihinayang na sana ganito sana ganun... Mahalin n'yo at bigyan n'yo ng oras ang parents n'yo habang and'yan pa sila na gumagabay sa inyo. Ako nagawa ko naman lahat with them pero kulang na kulang pa rin sa oras at buhay."

Sa huling parte ng kanyang post, ipinahayag ni Mark ang kanyang pagmamahal sa kanyang mga magulang. "To my dad, papapim, mama, & mamang, mahal na mahal ko po kayo!"

A post shared by Mark Angelo S. Herras (@herrasmarkangeloofficial)

Pumanaw si Daddy Jun noong 2014. Matapos ang dalawang taon, sumunod namang binawian ng buhay ang partner niyang si Hermie, na tinutukoy ni Mark na "Papapim".

Noon ding 2016 yumao ang ina ni Mark na si Jasmin sanhi ng cardiac arrest.

Samantala, parte si Mark Herras ng Kapuso series na Unica Hija, na kasalukuyang pinalalabas sa GMA Afternoon Prime.

RELATED CONTENT: Take a look at the other celebrities who were adopted