Celebrity Life

Mark Herras, pursigido pa rin sa panliligaw kay Wyn Marquez

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2020 12:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO orders SUV driver to explain viral reckless driving along NAIAX
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News



Tila tulad ng sa Kalye-serye ang ginagawang panunuyo ni Mark Herras para kay Wyn Marquez. Hindi niya alintana ang matagal na paghihintay at pursigido pa rin siyang ligawan ang kanyang 'Little Nanay' co-star.


By CHERRY SUN


PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Tila tulad ng sa Kalye-serye ang ginagawang panunuyo ni Mark Herras para kay Wyn Marquez. Hindi niya alintana ang matagal na paghihintay at pursigido pa rin siyang ligawan ang kanyang Little Nanay co-star.


READ: Mark Herras’s sweet Valentine message for Wyn Marquez

“Magkaibigan kami matagal na, so I think okay na pundasyon ‘yun. Kahit sabihin nating matagal na panahon na, pero okay lang naman ako sa panliligaw pa rin,” pahayag niya sa panayam ng 24 Oras.

Maliban kay Wyn, masaya rin si Mark na makasama at makatrabaho ang mga de-kalibreng artista tulad nina Nora Aunor, Bembol Roco at Eddie Garcia sa naturang Kapuso family drama series. Marahil pa nga raw ay makakaranas siya ng separation anxiety sa pagtatapos ng kanilang programa.

READ: Ano ang mami-miss ni Kris Bernal sa 'Little Nanay?'
 

“Nakabuo kami ng isang pamilya sa Little Nanay. ‘Yung Batongbuhay na family, sobrang talagang naging isang pamilya siya, at kitang-kita naman ng mga tao na nanonood sa TV and off cam,” wika ni Mark.

Dagdag din niya tungkol kay Kris Bernal, “Siya ‘yung bunsong kapatid namin ni Juancho [Trivino] ‘di ba, so talagang ganun ‘yung naging trato namin sa kanya off and on cam na talagang siya si Tinay ng mga Batongbuhay na talagang binabantayan namin."


Video courtesy of GMA News