What's Hot

Mark Herras sending love signs to Marian Rivera again

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated July 13, 2020 2:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Beyonce declared a billionaire by Forbes magazine
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Mukhang nanunumbalik na ang pagtitinginan sa pagitan nina Mark Herras at Marian Rivera na minsan na ring na-link noon!
Get your daily dose of hot gossip in this all-new addition to iGMA! Whether it's capping off yesterday's entertainment headlines or dishing a celebrity's recent issue, iGMA still has it covered! Be on the lookout for multiple updates within the day - you wouldn't want to be the last to know, would ya? So keep checking this space for what's hot and new in the entertainment world. Mukhang nanunumbalik na ang pagtitinginan sa pagitan nina Mark Herras at Marian Rivera na minsan na ring na-link noon. May balita kasi na pinadalhan ni Mark ng bulaklak si Marian bilang pagbati dahil ang young actress ang napiling gumanap ng title role sa Marimar, ang bagong teleserye ng GMA-7 na dating ginampanan ng Mexican singer-actress na si Thalia. Inamin naman ito ni Mark sa grand opening ng Forever Flawless noong June 23 sa Mall of Asia. Pero pinapadalhan na raw niya ng bulaklak si Marian noon pa. Nilinaw ni Mark na magkaibigan lamang sila ni Marian. Pero hindi maikakaila ang kakaibang glow sa mga mata ni Mark sa tuwing binabanggit ang pangalan ng magandang young actress. Maiba naman, isa sa mga dasal ni Mark ang natupad. Nakuha na ng young actor ang bago niyang sasakayan last June 20 -- isang black RAV car reportedly worth P1.4 million. Kalahati nito ay binayaran na ni Mark as down payment and the rest, huhulug-hulugan na lang niya. Sino ang unang babaeng naisakay niya sa bago niyang kotse? "Wala pa," sabi ni Mark. "Pero si Ryza [Cenon], hindi ko namalayan... Nalaman ko na lang na sumakay pala siya. Sumakay, hindi isinakay!" natatawa niyang pagkaklaro. Ayon kay Mark, nagte-taping daw sila noon ng Fantastic Man. Habang kinukunan ang eksena ni Mark ay binusisi naman ni Ryza ang kanyang kotse. Hindi naman nagwo-worry si Mark na magiging minus pogi points ito sa panunuyo niyang muli kay Marian. -- PEP (Philippine Entertainment Portal) What do you think? Talk about this issue on the iGMA forums! Then, check out what other people are saying about the very controversial second book of Fantastic Man, and Marian's casting as the Filipino Marimar. Only at the iGMA forums!