
Napabilib si Mark Herras ng kanyang naka-partner sa StarStruck na si Kim De Leon.
Ang season 1 Ultimate Male Survivor na si Mark ay tatayong mentor ng season 7 artista hopeful na si Kim sa mga darating na tests at challenges.
Kuwento ni Mark, nakikita niyang maganda ang future ni Kim si showbiz.
"Malayo ang mararating nito ni Kim."
Nilinaw ni Mark na hindi niya ito sinabi dahil siya ang tatayong mentor ni Kim.
"Hindi dahil alaga ko siya ha? Pero kasi noong nag-usap kami, 'yung sa interview, naramdaman ko na mabait. Ang dapat niyang ayusin at dapat niyang i-maintain ay ang pagiging mabait na bata, marespeto, pagiging humble."
Dagdag pa ni Mark na ang pagiging mabuting tao ni Kim ang magugustuhan ng mga tao sa kanya sa showbiz.
"Kasi ang talent kaya naman 'yang i-workshop, magklase, whatever. Pero ang ugali ang pinaka importante sa pagiging artista."