What's on TV

Mark Herras, the new leader of InstaGang

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated July 1, 2020 1:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

5 people linked to alleged NPA members in Toboso clash arrested
How do airplanes stay in the air? Physicist explains
This restaurant gives free food to PUV drivers

Article Inside Page


Showbiz News



Last September 14, 2013, at the technical rehearsal of Sunday All Stars, nakapanayam ng GMANetwork.com ang Kapuso actor para sa isang exclusive interview. Alamin kung ano ang masasabi niya bilang bagong leader ng InstaGang.

Nagsimula na ang second cycle ng Sunday All Stars noong nakaraang linggo, September 15, 2013. Ikinagulat ng marami ang biglaang pag-reshuffle ng mga members sa ibang grupo. Kasabay ng paglipat ng mga members, ang pagpapalit din ng mga team leaders. Isa na rito si Mark Herras na dating kabilang sa consistent winner as Best Team Perfomance sa cycle 1 ng Sunday All Stars – ang Tropang Trending. Ngayon, Si Mark na ang namumuno sa grupong InstaGang.

Last September 14, 2013, at the technical rehearsal of Sunday All Stars, nakapanayam ng GMANetwork.com ang Kapuso actor para sa isang exclusive interview. Alamin kung ano ang masasabi niya bilang bagong leader ng InstaGang.

Matatandaan  na sa cycle 1 ng Sunday All Stars, tinanghal din na leader si Mark ng grupong Tropang Trending but due to some reasons ay pinalitan siya ni Rochelle Pangilinan bilang leader.

“Kasi before sa Tropang Trending medyo hindi ko nagampanan ng tama ‘yung pagiging leader ko sa grupo ko. So, ngayon ako bumabawi. Buti na lang sa Tropang Trending, marami akong natutunan sa naging leader namin kina Mark Bautista, Rochelle [Pangilinan} at Rachelle Ann [Go] na inaaply ko ngayon dito sa InstaGang,” ang pag-amin ng Bad Boy of the Dance Floor.

“At ang ginawa ko sa grupo ko rin talaga, bukod sa pagpeperform namin ng maayos at ng maganda, siyempre, sa likod nu’n gusto ko mabuo ang bonding sa grupo,” kuwento pa niya.

Isiniwalat ni Mark ang sikreto ng Tropang Trending kung bakit sila ang laging nananalo, “Kasi ‘yun ‘yung meron ang Tropang Trending eh, ‘yung naging isa sa mga key iyong samahan namin, naging maganda ‘yung samahan ng Tropang Trending.“

Naging close na sa isa’t isa ang members ng Tropang Trending at ang leader nila na si Rachelle Ann Go, solid na rin sila as a group, ano ang naramdaman ni Mark sa biglaang pag-reshuffle ng mga members ng Tropang Trending sa ibang grupo like InstaGang, Ligang iLike, at Tweet Hearts.

“Siyempre, nalungkot. Actually, wala naman may gusto mareshuffle after ilang months na nakapagbonding kaming lahat. As in, solid ang grupo namin. Malungkot pero siyempre, trabaho mo ito. At ‘yung staff and network ang nagdecide magreshuffle. I’m happy naman dun sa bago kong group.”

Sinu-sino na nga ba ang members ng bagong InstaGang?

“Ang members ko ngayon kasama ko si Christian Bautista, Lj Reyes, Andrea Torres, Sam Pinto, Yassi Pressman, Jake Vargas, Bea Binene, Julian Trono, Frencheska Farr, Julie Anne San Jose, and me [Mark Herras]. Kami po ang bagong InstaGang.”

Sa kanya ba nanggaling ang idea ng performance nila?

“Sa amin po namang lahat, kasama ko dito na nagbuo ng concept for the first week, ang grupo naming InstaGang . Lahat po ng kasama ko sa grupo, our choreographers, Miggy Eugenio and si Michael. Actually iyong writer po namin, tumutulong sa akin na buuin iyong concept.”

Confident ba siya na manalo sila every Sunday? “Based dun sa ginawa namin, natuwa naman sila at nagandahan naman sila sa ginawa namin. Sana maganda rin ang sasabihin ng mga judges sa amin.”

Sa pagtatapos ng aming interview, tinanong namin kung ano meron ang InstaGang na wala ang iba kaya sila ang dapat manalo? “After this week, pwede ko na masagot iyan.”

Don’t miss the celebrity showdown in Sunday All Stars, 12 noon, every Sunday. For more updates of Mark Herras and your favorite Kapuso shows and stars, keep on visiting www.gmanetwork.com. -- Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com.