GMA Logo Aicelle Santos and Mark Zambrano
Celebrity Life

Mark Zambrano, tinawag na "biggest blessing" ang magiging anak nila ni Aicelle Santos

By Felix Ilaya
Published June 18, 2020 3:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gov’t hospitals on Code White Alert for illness, injury amid Christmas, New Year holidays
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

Aicelle Santos and Mark Zambrano


Basahin ang mensahe ni Mark Zambrano para kay Aicelle Santos at sa kanilang magiging anak, dito.

Kahapon (June 17), inanunsiyo ng Kapuso singer na si Aicelle Santos sa Instagram ang kaniyang pagbubuntis sa anak nila ng asawa niyang si Mark Zambrano.

Sa sariling post naman ni Mark sa kaniyang Instagram, nagsulat ang TV anchor ng mensahe para sa kaniyang asawa at magiging anak.

Aniya, "Napakaraming biyaya na ang aking natangap mula sa Panginoon. Ngayon, ikaw anak ang pinakamalaki.

"Ikaw at ang iyong ina ang sentro ng bago kong mundo. Pangako ko na pupunoin ko ng pagmamahal at saya ang buhay ng ating maliit na pamilya. Kaunti na lang anak, magkikita na tayo. Nagmamahal, daddy Mark and mommy A."

Nagbiro din si Mark sa kaniyang hashtag na siya raw ay #SoonToBeAStageDaddy.

Napakaraming biyaya na ang aking natangap mula sa Panginoon. Ngayon, ikaw anak ang pinakamalaki. Ikaw at ang iyong ina ang sentro ng bago kong mundo. Pangako ko na pupunoin ko ng pagmamahal at saya ang buhay ng ating maliit na pamilya. Kaunti na lang anak, magkikita na tayo. Nagmamahal, daddy Mark and mommy A. #soontobeastagedaddy

Isang post na ibinahagi ni Mark Zambrano (@markzambrano) noong

Ikinasal sina Aicelle at Mark sa Batangas noong November 2019.

Congratulations, Aicelle and Mark!