
Aminado ang aktor na si Markus Paterson na mahirap balansehin ang buhay niya dahil dalawa sa malalapit na mga tao sa kanya ay nasa magkaibang lugar--ang kanyang ama ay naninirahan sa United Kingdom, samantalang ang anak niyang si Jude ay nandito sa Pilipinas.
Kaya naman hindi niya itinanggi na minsan niyang plinanong manatili na lang sa UK at maglingkod sa military.
“It was true,” pag-amin ni Markus nang tanungin siya tungkol dito sa media conference ng bagong BL (boys love) series na pagbibidahan niya, ang Pretty Boys, nitong Huwebes, August 15.
Paliwanag niya, “Wala, yung daddy ko kasi is getting a little bit older. I'm a family-oriented person kaya parang these last years I really wanna spend time with him and with my family sa UK. Inisip ko yun pero, of course, nandito rin kasi yung anak ko. So, work first and family at the same time. Ang hirap kasing mag-balance ng prioritites. But I did consider it. I'm still considering it.”
Muli rin niyang nilinaw na, “Hindi ko naman inisip mag-quit. I just like to balance both lives ko, yung sa UK life at saka sa Philippine life ko.”
Ngayon isa na siyang celebrity dad, naging maingat na si Markus sa anumang role na kanyang tatangapin. Katulad ng sa Pretty Boys, bagamat may ilang sexy scenes dito, sinigurado niyang hindi siya ire-require na maghubad.
“I have to consider the fact na, of course, I'm a father,” aniya. “I have limitations also. I would never go nude, full frontal, or butt exposure. I just don't see the point of taking my clothes off, unless the movie requires it.”
Source: Vivamax Plus
Hindi rin daw nag-alangan si Markus na tanggapin ang proyekto kahit gay role ang kanyang gagampanan rito.
Sabi niya, “I like to think of myself as an actor and I don't like to turn down roles. You can't grow as an actor if you don't challenge yourself, if you don't push yourself to think outside the box.
“Ayaw ko lang ma-trap, ma-typecast or whatever. Lahat ng roles, I accept.And this was a really fun role, a great script, a great director, great actors. Sobrang nag-enjoy ako.”
Kaugnay nito, hindi rin nag-aalala ang aktor na ma-typecast sa ganitong klaseng role.
Katuwiran niya, “I think I've done enough before. Hindi ako natatakot doon. But if ever na ma-typecast ako, at least, I know that I'm comfortable.”
Sa ngayon, focus daw muna si Markus sa kanyang anak at sa trabaho, sa halip na pumasok sa isang relasyon.
“Hindi na muna. Focus muna ako kay Jude," pagtatapos niya.
Si Jude ay ang four-year-old son ni Markus at dating girlfriend na si Janella Salvador.
Tingnan ang kanilang bonding moment dito sa third birthday ni Jude dito: