Article Inside Page
Showbiz News
It is never easy to accept the loss of a loved one. For Ryza Cenon, ang loss ni Marky Cielo ay mas lalo niyang nararamdaman ngayon.
It is never easy to accept the loss of a loved one. Sa case naman ni Ryza Cenon, who is currently busy in a stage play, ang loss ni Marky Cielo ay mas lalo niyang nararamdaman. Text by Erick Mataverde. Interview excerpts from Chika Minute. Photo by Mitch S. Mauricio.
Binisita ng
Chika Minute si
Ryza Cenon sa isang stage play at the Tanghalang Pilipino sa CCP kung saan siya ay kasama sa cast, together with fellow Starstruck alumnus
Mike Tan.

Naaalala ni Ryza ang times kung kailain sila nagre-rehearse ni
Marky Cielo. "Tinutulungan ko siya para makabisado niya 'yung script niya. Kasi sa aming tatlo, ako 'yung unang nakaka-kabisado ng script. Tapos sabi niya: 'Huy, tulungan mo naman ako,' ganyan. [Sagot ko naman], 'O sige, ako si Maria Clara'," ang kanyang kwento.
Dagdag ni Ryza: "Dapat nga kasama dito si Marky, siya si Ibarra dapat sa
Maria Clara. 'Yun nga, sa nangyari, so ginagawa namin ito, siyempre para rin sa kanya. Kumbaga tinatapos namin ito."
Kaya nga doble pa ang effort ng mga kasama ni Marky sa pag-improve ng kanilang craft, dahil for them, ito ang isang way na makapag-bigay sila ng homage sa kanya na siguradong ma-aapreciate niya ng todo.
Sa totoo lang, ang mga stage play na ganito ay malaking tulong sa kanilang acting—lumalawak ang horizons nila dahil sa training at disiplina na ibinigay ng pagganap sa entablado.
Banggit nga ni Mike Tan: "Kapag onstage kasi, kung ano yung hinihingi ng script, 'yun ang ibibigay mo, eh."
Be updated sa mga pinaka-hot na balita tungkol sa inyong mga Kapuso stars! Just log on to to the
iGMAForums! Not yet a member? Register
here!