What's Hot

Marky Cielo talks about bonding moments with his mother

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated September 28, 2020 11:41 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Celtics exploit short-handed Bucks for latest lopsided win
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



Napag-alaman namin na todo-suporta at sakripisyo pala ng ina ni Marky sa kanya magmula nang mag-audition ang binata sa StarStruck.
Get your daily dose of hot gossip in this all-new addition to iGMA! Whether it's capping off yesterday's entertainment headlines or dishing a celebrity's recent issue, iGMA still has it covered! Be on the lookout for multiple updates within the day—you wouldn't want to be the last to know, would ya? So keep checking this space for what's hot and new in the entertainment world. Sa nakaraang pagdalaw ng Philippine Entertainment Portal (PEP) sa taping ng Kaputol ng Isang Awit ng GMA-7 ay nakausap namin ang isa sa mga bida rito na si Marky Cielo. Ang tungkol sa ina niyang si Mrs. Mildred Cielo ang napagkuwentuhan namin ni Marky. Napag-alaman namin na todo-suporta at sakripisyo pala ng ina ni Marky sa kanya magmula nang mag-audition ang binata sa StarStruck. starsAyon kay Marky, "From here, dito sa Manila, dito siya nagwo-work, umuwi siya ng Baguio. Sinamahan niya ako sa audition sa Dagupan. From the start pa lang, nandun na ‘yung suporta niya sa akin na talagang pinapalakas niya ang loob ko. Kasi nung nakita pa lang namin ‘yung audition area, mga sampu ang kumakanta. ‘Tapos feeling ko, parang sa ano ‘to...sa kantahan, kasi kumakanta sila at that time. So parang aatras na ako, kasi wala akong laban dito," lahad ng young actor. Pagsasayaw nga kasi ang talent na baon ni Marky during that time sa audition kaya aatras na sana siya, kundi lang dahil sa encouragement ng kanyang ina. "Sabi niya, ‘Hindi, andito na tayo. Kaya mo ‘yan.' In-encourage ako ni Mama, so todo suporta talaga po siya," sabi ni Marky. Kung hindi pala dahil sa kanyang ina ay hindi siya magiging Ultimate Sole Survivor ng Batch 3 ng StarStruck. "Oo nga po, eh," pagsang-ayon ni Marky. "Tsaka sinamahan niya po talaga ako. Isa sa mga dahilan po kaya itinuloy ko na talaga." Pagkatapos ng StarStruck ay naging sunud-sunod ang proyekto ni Marky sa GMA-7. Kabilang na rito ang Fantastikids, SOP, Encantadia, Bakekang, Asian Treasures, Boys Nxt Door, Zaido, at Kaputol ng Isang Awit. Ngayong kumikita na siya, ano na ang mga bagay na naibigay niya sa mama niya? "Hindi ko na alam, eh," sagot niya. "Kasi usually, lahat naman ng suweldo ko, diretso sa kanya. So parang, kumbaga, kung magsu-surprise ako, mahirap. Kasi diretso na ‘yung...alangan namang hihingi ako sa kanya?" tawa ni Marky. "‘Yung si Bonsai, yung kapatid ko, ako nakakapag-sorpresa kasi humihingi ako sa kanya [his mother]. Sa kanya ko sasabihin na ‘Huwag maingay,’ ganun-ganun. Pero kung sa kanya ako hihingi..." bitin niyang pahayag. Dagdag ni Marky, wala nang element of surprise dahil hihingin din niya sa mama niya ang ipambibili niya ng regalo dito. Usually raw, mamahaling pabango ang inireregalo niya sa kanyang ina. starsMay time na bang nag-date sila ng mama niya na silang dalawa lang? "Actually, tatlo kami, kami ng kapatid ko. Pero ‘yung kaming dalawa, siguro ano lang ‘yun, groceries. Ganun lang po, dati pa po ‘yun," saad ni Marky. Napag-alaman din namin na sa sobrang closeness ni Marky at ng kanyang ina, may mga pagkakataon na magkatabi silang natutulog. "Mga tipong ano lang...minsan kasi, parang matutulog lang, tapos biglang tatabi siya, tapos mag-uusap kami. May mga times lang na tatabi siya, siya or yung kapatid ko sa akin. Minsan, pagkakasyahin namin yung kama, kaming tatlo," kuwento niya. Gugustuhin ba niya na someday 'pag nagka-girlfriend siya ay tulad ng mama niya? "Ay, opo! Sobrang ideal po yun kung sakali man," sagot ni Marky. Payag na ba ang mama niya kung sakaling magkaroon na siya ng girlfriend? "Hindi pa po namin napag-uusapan, pero siguro naman, okay lang po," sagot ni Marky, who will turn 20 years old on May 12. Nali-link ngayon si Marky sa leading lady niya sa Kaputol ng Isang Awit na si Glaiza de Castro. Inamin ng young actor na naipakilala na niya ang dalaga sa kanyang ina. -- PEP Find out how Marky introduced Glaiza to his mom! Ask Glaiza when she comes to the iGMA Live Chat on April 15! In the meantime, talk about Marky and his relationship with his mother at the iGMA forums! If you're not registered yet, register now! Want stories about his personal life from Marky himself? Subscribe to his Fanatxt service by texting MARKY and sending to 4627 for all telcos! (Each Fanatxt message costs PhP2.50 for GLOBE, SMART, and TALK 'N TEXT, and PhP2.00 for SUN subscribers.) Feel the fun!