Article Inside Page
Showbiz News
Hindi inilalayo ni Marky Cielo ang posibilidad na baka mahulog ang loob niya kay Glaiza de Castro.
Get your daily dose of hot gossip in this all-new addition to iGMA! Whether it's capping off yesterday's entertainment headlines or dishing a celebrity's recent issue, iGMA still has it covered!
Be on the lookout for multiple updates within the day—you wouldn't want to be the last to know, would ya? So keep checking this space for what's hot and new in the entertainment world.

Nagulat si
Marky Cielo nang dalawin ng Philippine Entertainment Portal (PEP) sa location ng taping for
Kaputol ng Isang Awit, sa isang building sa loob ng Ateneo de Manila University compound, at usisain sa isyung kesyo nagpuprotesta raw si Jolo Revilla sa nakatakdang kissing scenes nina
Lovi Poe at Marky sa nabanggit na teleserye.
"Hindi ko pa alam kung may kissing scenes ba," ani Marky. "Hindi pa nga sinasabi sa akin. Pero kung meron man, gagawin ko kung iuutos ng direktor at kailangan sa script.
"Kung hindi okey sa kanila na may kissing scenes, wala naman din akong magagawa. Basta, kung ano ang iuutos ng direktor, yun lang ang susundin ko."
Mainit na kasi ang pagbabantay-sarado ni Jolo kay
Lovi. Sila na nga ang mainit na nauugnay sa isa't isa.
"Ayoko namang makisali sa kanila, dahil personal na nila yun. Kaibigan ko silang pareho. Maganda ang samahan namin sa set. Sana, huwag na lang intrigahin," pahayag ni Marky.
IN THE BEGINNING, IT WAS MARKY AND LOVI. Sa unang bahagi ng
Kaputol ng Isang Awit, sina Marky at Lovi ang magkakaroon ng kaugnayan. Pero ang totoong ka-loveteam ni Marky na ibini-buildup ng GMA-7 ay si
Glaiza de Castro.
"I'm very much comfortable with Glaiza," ani Marky. "Meron din naman kaming chemistry, kasi nagkasama na kami sa
Asian Treasures, Boys Nxt Door, at
Fantastikids. Wala nang adjustment pang gagawin dahil nagkukulitan na kami, masaya kami when we're together sa set.
"Mature role na bale ang naka-assign sa akin dito, bilang executive ng isang recording company. Kaya dapat medyo ibahin ko ang atake ko rito, para hindi masyadong bagets ang dating."
CAREER OVER LOVE. Isa si Marky sa iilang male young stars na ang focus ay nasa career talaga. Yung iba, maagang nai-in love. Worst, nai-involve sa maagang buntisan.
"Low profile lang ako," aniya. "May mga natitipuhan din ako, pero simple lang ang diskarte ko. At saka hindi ko muna seseryosohin yung ganyang mga bagay dahil marami pang panahon para riyan.
"Sayang ang opportunities kung hindi ako magko-concentrate sa trabaho. Hindi lahat ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon," sabi pa ni
Marky.
FALLING FOR GLAIZA? Hindi inilalayo ni Marky ang posibilidad na baka mahulog ang loob niya kay Glaiza. Not just part of the promo, pero hanga si Marky rito sa kasimplehan at pagiging dedicated sa trabaho.

"Seryoso siya, mabait, at saka maayos. Organisado siya sa maraming bagay. Kontrolado niya ang sarili niya, at alam din niya kung paano mag-enjoy. Yun naman ang importante roon," sabi ng binata.
Gusto raw niyang makilala pa nang lubos si
Glaiza.
"Hindi sa nag-iisip akong ligawan siya, pero I find her nice and attractive, too," pagtatapat ni
Marky. "Hindi naman lahat ng babae, nagkakagusto ako. Yun nga lang, may pinagsamahan din kasi kami ni Glaiza.
"Mas okay na itong friends kami. Magkakakilala kami nang husto through our friendship. Malaking bagay na yung kapag may problema ako, hindi ako nahihiyang magsabi kay Glaiza."
ALL WORK, NO PLAY? Sumasabak na siya sa
action at drama, bahagi ng kanyang packaging bilang idolo at aktor. Puro career na nga lang ba siya?
"Marunong din akong mag-enjoy, hindi puro seryosong bagay. Kasi, sabi nila, masyado akong naka-focus. I still give time for myself. Mahirap yung trabaho na lang palagi ang iniisip ko.
"Yun nga lang, ayokong magseryoso sa love-love na 'yan. Nariyan pa rin kasi ang friends ko na nabibigyan ko ng time. Happy na ako sa ganoon, kesa pre-occupied na ako ng career, meron pang seryosohang love.
"Darating din 'yan. Pero, yung mga babaeng nakakatrabaho ko, nakaka-close ko eventually. Usually, hanggang ganoon lang," at natawa na lang ang binata. --
PEP
Do you think Glaiza fits with Marky well? Talk about this love team at the
iGMA forums!
If you're not registered yet,
register now! Who knows? You might even get to
chat with your favorite Kapuso star this coming summer!
Kaputol ng Isang Awit begins on GMA-7's Dramarama sa Hapon on March 3. Don't miss the pilot episode of the new series that harkens back to the afternoon soaps of old.
And feel the fun with Fanatxt by texting MARKY, GLAIZA or LOVI to 4627! (Fanatxt message costs P2.50 for GLOBE, SMART, and TALK 'N TEXT, while it costs P2.00 for SUN subscribers.)