GMA Logo Marthena Jickain and Aiko Mendez
Celebrity Life

Marthena Jickain, may plano ba maging artista?

By Kristine Kang
Published July 31, 2024 5:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Marthena Jickain and Aiko Mendez


Susunod kaya sa mga yapak ng kaniyang ina na si Aiko Melendez si Marthena Jickain?

Isa sa mga hinahangaan ngayon ng netizens ang kagandahan ng anak ni Aiko Melendez na si Marthena Jickain.

Bukod sa kaniyang natural beauty, marami rin ang humahanga sa kaniyang talino at husay sa sports.

Ilang netizens din ang nagsasabi na puwede ito maging artista o kaya naman isang modelo. Mas naging maugong ang pangalan ni Marthena nang mag-post kamakailan ang dalaga ng kaniyang photoshoot pictures na tila mukhang supermodel ang kaniyang itsura.

Sa isang interview sa YouTube channel ni Aiko, klarong ibinunyag ni Marthena ang kaniyang career plan.

Masaya kasi tinanong ng aktres ang kaniyang anak kung may plano ba ito pumasok ng showbiz.

Nilinaw naman ni Marthena na sa ngayon wala muna siyang balak maging artista dahil hindi pa siya handa para rito.

"Right now it's not my focus. Parang hindi pa ako masyadong out of my shell for that kind of stretch out of my comfort zone," sagot niya.

Ngunit dahil nasubukan na niya mag modelo sa harap ng kamera, open na raw si Marthena para sa mga endorsement at commercial.

"So gusto ko muna 'yun endorsements, commercials kung meron," dagdag niya.

Sa ngayon focus muna ang anak ni Aiko sa kaniyang pag-aaral sa Ateneo de Manila University. Kasalukuyan, isa siyang freshman student na kumukuha ng kursong Development Studies.

Ngayon at nasa kilalang eskwelahan na si Marthena, nais niya rin ituloy ang kaniyang passion sa volleyball.

“Since now volleyball is now booming in the Philippines, actually, worldwide, sobrang laki ng volleyball ngayon. And it's so nice to see throughout the years, it's not just a sport, it's more of like a passion na rin for others,” pahayag niya.

Samantala, tingnan ang stunning photos ni Marthena sa gallery na ito: