GMA Logo Martin del Rosario
Source: martinmiguelmdelrosario (IG)
Celebrity Life

Martin del Rosario, ipinasilip ang workout routine

By Marah Ruiz
Published December 15, 2025 8:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump brands fentanyl a ‘weapon of mass destruction’ in drug war escalation
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Martin del Rosario


Ibinahagi ni Martin del Rosario ang isang maikling video ng kanyang workout.

Ipinasilip ni Kapuso actor Martin del Rosario kung paano niya na-achieve ang kanyang fit na figure.

Sa isang maikling video sa Instagram, ibinahagi ng aktor ang isang workout session nila ng fitness coach na si Jerome Aguilar.

Source: martinmiguelmdelrosario (IG)

Makikita dito ang pagfo-focus nila sa upper body ni Martin, partikular sa kanyang braso at dibdib.

Sa tulong ni Coach Jerome, nagbuhat ang aktor ng iba't ibang weights, nag-pull ups, gumamit ng chest press, at ilang cable machines.

Masaya si Coach Jerome sa naging progreso sa fitness ni Martin.

"Push day done right — training with @martinmiguelmdelrosario 💪🏻🔥

"Thanks, Sir Martin, for trusting me with your training. Always grateful to help you out and glad we still get to work together after all these years—honored to be part of your fitness journey, bro," sulat niya sa caption ng kanyang post, na siya ring ibinahagi ni Martin sa sarili niyang account.

A post shared by Jerome Aguilar (@jrm.aguilar)



Bahagi si Martin ng horror anthology film na KMJS' Gabi ng Lagim The Movie na nasa pangatlong linggo na sa mga sinehan sa kasalukuyan.

Gumanap siya rito bilang isang pari na bahagi ng exorcism ng isang dalaga sa segment na pinamagatang "Sanib."

Isa rin si Martin sa mga nominees para sa kategoryang Best Lead Actor in a Play sa 38th Aliw Awards.

Para ito sa kanyang pagganap sa Anino sa Likod ng Buwan na nagsilbing theater debut niya.

KILALANIN ANG IBA PANG SPARKLE STARS NA NAKATANGGAP NG NOMINASYON SA 38TH ALIW AWARDS: