What's on TV

Martin del Rosario, Katrina Halili, at Kris Bernal, love triangle sa 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published May 29, 2025 4:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kenneth Llover stops Chinese foe, retains OPBF crown
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Magpakailanman


Bibigyang-buhay nina Martin del Rosario, Katrina Halili, at Kris Bernal ang kuwento ng asawa at kabit na titira sa isang bahay sa 'Magpakailanman.'

Sina Martin del Rosario, Katrina Halili, at Kris Bernal ang bibida sa real-life drama anthology na Magpakailanman.

Pinamagatang "Asawa at Kabit sa Isang Bubong," kuwento ito ng legal na asawa at kabit na titira sa isang bahay.

Gaganap si Kris bilang Maritess, ang una at legal na asawa ni Karlo na role naman ni Martin.

May bago nang kinakasama si Karlo, si Lea na gagampanan ni Katrina.

Isisingit ni Maritess ang sarili sa relasyon ng dalawa at ipipilit pang tumira sa kanilang bahay.

Lingid sa kaalaman ng dalawa, may mabigat palang dahilan si Maritess sa pagbabalik niya sa buhay at bahay ni Karlo.

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:

Abangan ang "Asawa at Kabit sa Isang Bubong," May 31, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.