
Nag-set na ng kanyang goals para sa 2025 si Kapuso actor Martin del Rosario.
Ayon sa kanya, nais niyang mas makapagbiyahe sa iba't ibang lugar ngayong taon.
"To more travels and coffee this 2025," sulat niya sa Instagram kalakip ang ilang litrato niya habang nasa airport.
Magiging busy ang 2025 para kay Martin.
Nakatakda siyang bumida sa pagbabalik sa entablado ng award-winning play na Anino sa Likod ng Buwan na mapapanood ngayong March.
Bukod dito, bahagi rin si Martin ng star-studded cast ng upcoming action adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.
Ito ang pangalawang season ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show na Lolong.
Muli itong pagbibidahan ni primetime action hero Ruru Madrid, kasama sina John Arcilla, Jean Garcia, Shaira Diaz, Paul Salas, at marami pang iba.
Gaganap si Martin sa serye bilang Ivan, isang misteryosong indibidwal. Pinaghandaan niya ang role na ito sa pamamagitan ng pagte-training sa Filipino martial arts at pagkukundiyson ng kanyang katawan.
SILIPIN ANG PAGHAHANDA NI MARTIN DEL ROSARIO, KASAMA SINA RURU MADRID AT PAUL SALAS PARA SA LOLONG: BAYANI NG BAYAN SA EXCLUSIVE GALLERY NA ITO:
Abangan si Martin del Rosario sa dambuhalang pagbabalik ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show sa pangalawang season nitong Lolong: Bayani ng Bayan, January 20 sa GMA Prime.
Balikan ang unang season ng Lolong: GMANetwork.com/Lolong