GMA Logo Martin del Rosario
Source: martinmiguelmdelrosario (IG)
What's Hot

Martin del Rosario, masayang maging bahagi muli ng Cinemalaya

By Marah Ruiz
Published July 12, 2026 6:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Farm to Table: (July 12, 2026) LIVE
SB19 drops cryptic teaser featuring a goat
Where structure meets serenity in 'C/AURUMSCAPE'

Article Inside Page


Showbiz News

Martin del Rosario


Bahagi si Martin del Rosario ng queer drama film at Cinemalaya entry na 'Tayo Lang Ang Nakakaalam.'

Masaya si Kapuso actor Martin del Rosario sa muli niyang pagiging bahagi ng prestihiyosong Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ngayong taon.

Bahagi si Martin ng queer drama movie na Tayo Lang Ang Nakakaalam, na isa sa siyam na full-length entries.

Umiikot ang kuwento nito sa pamilya ng isang long-term same-sex couple na masusubok nang magkasakit ang isa sa kanila.

Source: tlanfilm.2026 (IG)

"Nag-audition ako last year. Nag-audition ako so hindi ako makapaniwala na nakuha ko 'yung lead role for Tayo Lang Ang Nakakaalam. Masayang masaya, excited ako, dream come true. Matagal ko nang ninanais maging parte ulit ng Cinemalaya," kuwento ni Martin.

Matatandaang naging bahagi siya ng Cinemalaya film na Dagitab kasama sina Eula Vldes at Nonie Buencamino noong 2014.

Dahil sa pagganap niya dito, pinarangalan si Martin bilang Best Supporting Actor sa 2015 Gawad Urian.

Bukod kay Martin, may Cinemalaya entry films din ang ilang kapwa niya Kapuso kabilang sina Ruru Madrid, Rocco Nacino, at Pokwang.

Panoorin din ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video sa itaas.