
Nabuksan ang third eye ni Martin del Rosario at ng biktimang si Aling Glo sa October 27 episode ng The Boobay and Tekla Show (TBATS).
Si Aling Glo ang biktima ni Martin sa Halloween edition na 'Pranking in Tandem' segment. Ano ang mangyayari kung biglang mabuksan ang kanilang third eye? At ano-ano pa kaya ang mapanindig-balahibong karanasan ng ating biktima?
Samantala, temang Halloween din ang napanood sa kakaibang pageant na 'Binibining Undas 2019.' Naglaban-laban sina Sugar Bet de Kalachuchi, Neneng Bagsik, at Babaji para sa titulo sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang talento at pagsalang sa question-and-answer portion.
Non-stop talaga ang laugh trip na hatid ng The Boobay and Tekla Show! Tutok na tuwing Linggo, matapos ang Kapuso Mo, Jessica Soho! Maki-join na rin sa pagkalat ng good vibes as part of the live studio audience. Just contact Miko at 09952116327!