What's Hot

Martin del Rosario, nagbigay ng swimming lessons sa fans

By Maine Aquino
Published November 27, 2017 7:53 PM PHT
Updated November 27, 2017 8:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Isang kakaibang treat ang ibinigay ni Martin del Rosario sa kanyang fans.

"Water baby" na maituturing si Martin del Rosario dahil pati sa kanyang birthday celebration with his fans, ipinakita niya ang kanyang pagkahilig sa swimming. 

Ngayong November 27 ay nakasama ni Martin ang kanyang loyal fans para sa kanyang post birthday celebration sa Ace Water Spa, Quezon City. 

Sa isang panayam ay ibinahagi ni Martin kung kailan nagsimula ang kanyang interes sa paglangoy. Kuwento ni Martin, “Bata pa lang ako mahilig na ako mag-beach. Mahilig talaga ako mag-swimming. Pero hindi ako 'yung expert talaga. Pero na-e-enjoy ko lang 'yung lumulutang sa tubig.”

 

Martin Del Rosario and his fans take swimming lessons during Martin’s birthday celebration earlier today at Ace Water Spa in Quezon City. #ArtistCenterBirthdays #HappyBirthdayMartinDelRosario

A post shared by GMA Artist Center (@artistcenter) on

 

Excited umano si Martin dahil sa kanyang birthday, magagawa niya ang kanyang favorite pastime. “Masaya ako na birthday ko tapos swimming, enjoy talaga ako.”

Ayon kay Martin, memorable ang kanyang birthday celebration dahil ito ang kanyang paraan ng pagpapasalamat sa fans sa kanilang patuloy na nagmamahal sa kanya.

“Pa-thank you ko sa kanila sa patuloy nilang pagsuporta sa akin. 'Yung iba sa kanila, simula pa lang noong nagsimula ako…Hanggang ngayon sumusuporta pa rin sila.” 

Happy birthday, Martin!