
Kabilang si Kapuso actor Martin del Rosario sa nominees sa 38th Aliw Awards.
Nominado siya sa kategoryang Best Lead Actor in a Play dahil sa kanyang pagganap sa Anino sa Likod ng Buwan.
Ito ang unang pagkakataon na bumida si Martin sa isang stage play.
Bukod kay Martin, nominado din ang co-stars niyang sina Elora Españo para sa kategoryang Best Lead Actor in a Play, at Ross Pesigan para sa Best Featured Actor in a Play.
Nakatanggap din ng nominasyon bilang Best Play ang Anino sa Likod ng Buwan, habang nominado rin para sa Best Director for a Play ang direktor nitong si Tuxqs Rutaquio.
Ang Anino sa Likod ng Buwan ay isang dula na isinulat ng award-winning writer at director na si Jun Robles Lana.
Kuwento ito ng mga taong napilitang manirahan sa gubat sa Marag Valley noong dekada '90 para takasan ang labanan sa pagitan ng militar at mga komunista.
Nagkaroon ito ng movie adaptation noong 2015, at dalawang matagumpay na pagtatanghal sa entablado nitong 2025.
Samantala, nakatakda ang gabi ng parangal ng 38th Aliw Awards sa December 15.
Layunin nitong kilalanin ang husay sa concerts, theater, dance, comedy, hosting, at iba pang uri ng live performance.
KILALANIN ANG IBA PANG SPARKLE STARS NA NAKATANGGAP NG NOMINASYON SA 38TH ALIW AWARDS: