GMA Logo martin del rosario
Source: FastTalkGMA (FB)
What's on TV

Martin del Rosario, 'manhid na' sa mga espekulasyon sa kanyang sekswalidad

By Kristian Eric Javier
Published July 29, 2026 10:18 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Speaker Dy, Sandro Marcos file bill on increasing tax-free annual income threshold to P350K
Felipe Marasigan is one of the Mister Supranational Influencer finalists
Marcos inspects housing project in Duterte stronghold Davao City

Article Inside Page


Showbiz News

martin del rosario


Wala raw takot si Martin del Rosario ma-typecast sa gay roles.

Muling gaganap si Martin del Rosario ng queer role sa upcoming Cinemalaya film na Tayo Lang ang Nakakaalam. Patunay ito na hindi natitinag ang Kapuso actor na ma-typecast sa gay roles.

“Hindi ako natatakot. Simula nu'ng bago pa lang ako, until now, gumagawa ako ng gay roles as long as maganda 'yung story, ikagaganda 'to ng takbo ng career ko. And I see to it na bawat gay role na ginagawa ko, iba-iba naman e," sabi ni Martin sa panayam niya, kasama ang co-star na si Yayo Aguila, sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, July 28.

Diin pa ng aktor, “Hindi ka matatakot na mata-typecast as long as hindi pare-parehas 'yung binibigay mo.”

Sabi ni Martin, ibang-iba raw ang role niya sa upcoming Cinemalaya film kumpara sa mga dating gay roles niya. Kung sa mga pelikula tuland ng Panti Sisters at Born Beautiful ay open ang pagiging gay ng kaniyang mga karakter, dito ay mas restrained.

KILALANIN ANG PINOY ACTORS NA GUMANAP NG GAY ROLES SA GALLERY NA ITO:

Dahil sa gay roles na ginagawa niya, hindi maiiwasang magkaroon ng espekulasyon tungkol sa sekswalidad ni Martin. Ngunit ang aktor, wala umanong mga reaksyon sa ganoong mga balita.

“Kahit nga mag-gossip or kahit pa imbestigahan nila ako, hindi ako naa-affect kasi simula nu'ng pumasok ako sa showbiz, which is 16 years ago, hanggang ngayon, may ganu'n, parang manhid ka na,” sabi ni Martin.

Samantala, itinuturing naman ni Martin ang mga award na natatanggap niya, kabilang na ang Urian bilang Best Supporting Actor para sa Dagitab, bilang validation na nasa tamang landas siya.

“Kasi, may mga times na kukwestyunin mo, parang iniisip ko, 'Tama pa ba 'yung giangawa ko?' Lalo na nu'ng nagsisimula ako, nu'ng hindi ko pa mahanap 'yung place ko sa showbiz, hindi ko alam 'yung strengths ko, basta alam ko, mahal ko 'yung acting,” sabi ni Martin.