What's on TV

Martin del Rosario, sa kaniyang future love life: 'Hintay-hintay nang konti pa'

By Kristian Eric Javier
Published April 7, 2026 12:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

What are the astronauts aboard Artemis II eating? NASA shares 'menu of the day'
LRT-2 is offering free rides onAraw ng Kagitingan
Davao City forms task force to address socioeconomic crisis

Article Inside Page


Showbiz News

martin del rosario


Wala raw sa priorities ni Martin del Rosario ang love life sa ngayon.

Aminado si Martin del Rosario na hindi na muna niya prayoridad ang buhay pag-ibig. Sa halip, gusto niya itong paghandaan at masiguradong ang susunod na love life na niya ang huli.

“Love life, Tito Boy? Parang wala pa siya sa priority ko ngayon. Parang nasa point ako ng buhay na dapat 'yung next lovelife ko, 'yung seryoso na. So bawal nang magkamali,” sabi ni Martin sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, April 7, kasama ang tiyahin niyang si Connie Sison.

Paliwanag ng aktor, marami na siyang trauma na pinagdaanan sa past relationships kaya mas gusto niyang pagtuunan muna ng pansin ang sarili.

“Mas gusto ko gawin 'yung mga bagay for myself muna,mag-ipon, maging stable and all, 'tsaka maghanap ng love life para maging peaceful,” sabi ng aktor.

Nang hingan siya ng King of Talk na si Boy Abunda ng mensahe para sa kaniyang future love life, sabi ni Martin, “Sa future love life ko, hintay-hintay ng onti pa.”

BALIKAN ANG ILAN SA MGA JAW-DROPPING PHOTOS NI MARTIN SA GALLERY NA ITO:

Samantala, isang payo naman ni Connie para mapanatili ang isang very successful marriage, ilagay sa sentro ng relasyon ang Panginoon.

“Kasi sa totoo lang, ang marriage is, sabi nga nila, it's not just to be happy, it's a calling to be holy. So, parang ang goal is really to call each other higher. 'Pag nagkakamali 'yung isa, you have to be strong for the other person. Hindi kayo pwedeng magsumbatan, kailangan talaga it's partnership, and it's a daily decision to love that person, no matter how bad sometimes things get,” sabi ni Connie.

Dagdag pa ng batikang broadcast journalist, hindi naman palaging 100 percent ang isang relationship, at hindi kailangang laging sweet sa isa't isa ang mag-asawa dahil hindi naman daw ganoon ang buhay.

“May mga times talaga na magkakainisan kayo, pero the decision is you have to be 100 percent, not 50-50, kailangan buo kayo, 100 percent. Kapag nanghihina 'yung isa, pupunan nu'ng isa 'yung panghihina nu'ng isa and vice versa,” sabi ni Connie.

Para magawa ito, aniya, “You choose that person daily, and kahit gaano kanakakainis o may mga disagreements kayo, sometimes you have to just keep quiet and pray about it. And sometimes, 'yung mga bagay na hindi n'yo mako-control, you lift up to God.”

Panoorin ang panayam kina Martin at Connie sa video sa itaas: