
Labis naman ang pasasalamat ni Martin sa kanila dahil kahit busy sa taping ay nagawa pa rin nilang isingit ito.
By AL KENDRICK NOGUERA
Ipinagdiwang ni Kapuso actor Martin del Rosario ang kanyang 24th birthday kahapon, November 25.
Sumakto ang kaarawan ni Martin sa taping ng Afternoon Prime soap na 'Buena Familia' kung saan gumaganap siya bilang Harry, ang isa sa mga love interest ng role ni Kylie Padilla na si Celine.
READ: Martin del Rosario, umaming may crush kay Kylie Padilla
Dahil nasa shoot ang aktor sa kanyang special day, minabuti ng kanyang 'Buena Familia' family na sorpresahin siya.
Labis naman ang pasasalamat ni Martin sa kanila dahil kahit busy sa taping ay nagawa pa rin nilang isingit ito.
"Birthday on the set! Thank you, Buena Familia family," saad ni Martin.